Chapter 58

1086 Words

"It's okay. Pinapatawad na kita sa ginawa mo, atleast hindi mo naman tinuloy 'yong deal ninyo ni Jeff. Kalimutan na lang natin ang lahat kasi tapos na iyon," wika ni Tyler at nginitian nito si Kylie. "Thank you, Tyler," sambit nito. "Naku, mukhang diyan na magsisimula ang lahat, ah? Sa pagpapatawadan," biro ni Loida. "Oo nga, eh. Siya nga pala, Tyler. Paano ka napadpad sa bahay na iyon kanina? Sinusundan mo ba talaga si Jeff?" tanong ni Yoona kaya napalingon sa kaniya ang tatlo. Tumango ito, "Oo, nakita ko kasi siya sa mall tapos dire-diretso siyang sumakay ng kotse. Sinundan ko siya dahil gusto ko siyang tanungin kong siya ang kumuha ng litrato sa puntod ni Ella," wika nito. "Ahh, gano'n? Grabe naman siya, obsessed masiyado sa girlfriend mo," wika ni Yoona. Bigla siyang napangiti,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD