Chapter 4

2131 Words
"Nasa'n ako?" she asked. Dahan-dahan siyang umupo at nagulat ito ng makita ang binata. "Sino ka? Nasa'n ako?" tanong nito sa kaniya. "Hindi mo ba ako kilala?" he smirked at her, "I'm Lune Bleue Laurent, the successor of the famous company, here in the Philippines. Hindi ka ba nanonood ng television, or even read some magazines?" he crossed his arms. "Hindi ako interesado sa 'yo! Ang tinatanong ko kung sino ka? I mean, bakit kasama kita dito? Bakit nandito ako?" Napakasuplada pala ng babaeng ito. "Miss, ako lang naman ang nakabangga sa 'yo dahil sa katangahan mo," mahinahon sabi niya rito, "Hindi ka man lang lumingon pagtawid mo kanina," sabi niya at napabuntong hininga siya. "Wow, ha! Bakit parang kasalanan ko pa? Driver ka ng kotse kaya dapat alam mo rin na may tatawid tapos dumiretso ka pa! Isa pa, alam ko parte 'yon ng village ang dinaanan ko tapos hindi mo man lang ako makita? Baka kasi ang bilis ng patakbo mo ng kotse, na parang hari ng daan!" bulalas ng babae. Hay, naku! Ano pa ba ang isasagot niya sa babaeng iyon na parang baril ang bunganga. "Miss, just relax! Alam mo, nasayang ang buong araw ko dahil sa 'yo. Pasalamat ka nga hindi kita tinakbuhan and binayaran ko na rin ang hospital bill. Ano pa ba ang kulang?" Napakamot na lang siya ng ulo niya. "Aba, Mister! Hindi mo ba alam na, nasayang din ang buong araw ko dahil kagagawan mo? Nag-a-apply ako ng trabaho," she said and took a deep sighed. "Siguro kung hindi mo ako binangga, may trabaho na ako," yumuko ito at biglang natahimik. Tiningnan ito ng binata at tiningnan rin siya nito na parang batang inagawan ng candy. Ewan niya kung maiinis ako o maaawa. "Ok, ganito na lang. I'll hire you as a janitress of Laurent Corp.," sambit niya. Oo, nakakainis siya pero mas nangingibaw ang awa niya rito. "What? JANITRESS?! Hoy, Mister! Graduate ako ng BS in Office Administration tapos Janitress ang ibibigay mong trabaho sa 'kin? Matagal ko nang pangarap na maging Secretary kaya nga kinuha ko ang kursong, BS. IN. OFFICE. ADMINISTRATION.," she smirked, "Ang tindi mo rin, Mister! Sayang lang ang ginastos ng sponsor ko sa aking pag-aaral ng ilang taon kung Janitress lang ang babagsakan ko. At saka kailangan ko talaga ng trabaho na mataas ang sahod dahil malapit ng mag-kolehiyo ang kapatid ko, ang Mama ko nagtitinda lang ng kakanin kaya hindi iyong sapat sa pang-araw-araw na gastusin, lalo na kung kolehiyo na ang aking kapatid," tiningnan ulit siya nito na parang batang nagmamakaawang bilhan ng candy. "Dapat sa 'yo reporter hindi secretary! Ang dami mo nang sinabi, kung ayaw mo, eh 'di 'wag!" sabi niya rito at tumalikod na siya para umalis. "Hoy, Mister! Aray! Tulungan mo naman ako! 'Wag ka munang umalis," muling pangungulit nito. Lumingon siya, "Pwede ba..." Nakita niya itong nakaupo sa sahig. Kung pwede lang na hindi niya na ito tulungan, kung pwede lang talaga! Lumapit siya rito para tulungan itong makatayo at maupo sa stretcher. Nang makaupo na ito sa stretcher ay nakita niya may namumuong luha sa mga mata nito at tuluyang tumulo iyon. Ewan, pero baka dahil hindi siya makalakad o kaya may masakit sa kaniya kaya ito umiyak. "Why?" he asked, kahit inis na inis na talaga siyang sobra. "Wala, sige na umalis ka na," mahinahong sagot nito at pinunasan nito ang luha gamit ang kanang kamay nito "Ok. Let's go, ihahatid na kita sa inyo," yaya niya rito. Konsensya niya pa kapag hindi ito nakauwi at kung ano pa mangyari sa rito, kaya kahit labag sa kalooban niya ay ihahatid niya na lang ito. "Hindi, 'wag na. Sige na umalis ka na, ako na lang bahala. Siya nga pala, salamat at pasensya na sa abala," malungkot na sambit nito. Hindi niya alam, pero nakaramdam siyang awa rito. Siguro, talagang desperada itong makapagtrabaho because of her family. "Halika na, ihahatid na kita kasi konsensya ko pa kapag nadisgrasya ka ulit," pilit niya rito at tumalikod ito, "Dito ka na sa likod ko," sambit niya at naramdaman niyang dahan-dahan nitong niyakap ang leeg niya at nilapat ang katawan niya sa likod niya. Dahan-dahan siyang tumayo, at sinalo niya ng braso niya ang magkabilang calf nito para maayos ang pagkaka-pasan niya rito. Hindi siya umiimik. Ewan, pero ramdam na ramdam niyang lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Siguro, dahil this is his first time na magpasan ng babae sa likod niya. Mabuti na lang talaga, hindi pa alam ng publiko na nandito na siya sa Pilipinas or else baka nakunan na siya ng pictures ng paparazzi. Ang katulad niyang sikat, kailangan maging maingat. Sa ngayon, malaya pa siyang maglibot at gawin ang gusto niya pero sa susunod na mga araw, marami na ang mga matang nakagwardiya sa kaniya, the walking and living CCTV's. Pagkarating nila sa parking area, he slowly put her down. "Salamat," matipid na sambit nito. Binuksan niya ang pinto ng kotse, "Here," inalalayan niya itong pumasok ng kotse niya. Pinaupo niya ito sa driver's side seat, para madali lang nitong maituro kung saan niya ito ibababa. Ilang minuto ring natahimik silang dalawa. "Taga saan ka nga pala?" basag niya sa katahimikan. "Dito sa Makati, sa Rizal Street," maikling sagot nito. Binuksan niya ang google map at hininto ang kotse saglit upang i-search ang Rizal Street. "Bakit mo hininto?" she asked. "Search ko lang sa google map ang Rizal Street, Makati. Pasensya na, two days pa lang kasi ako rito sa Pilipinas. I grew up in France with my Grandma, kaya talagang hindi ako familiar sa bansang ito, lalo na sa mga lugar dito," sagot niya. "Pero bakit ang galing mong magsalita ng tagalog?" kunot-noo nitong tanong sa kaniya. "Sa France kasi, ang kasama ko ay ang Lola kong Filipina na Ina ng Mom ko at kadalasan ang katulong doon ay mga Pilipino kaya sanay akong magsalita ng tagalog," he explained. "Pero magaling ka bang mag-french?" "Syempre naman," sagot niya rito. Bigla itong ngumiti, "Talaga? Sige nga, hmm. I love you!" Bahagyang napalingon ang binata kay Yoona. "Hmm. Je t'aime," matipid na sagot ng binata sa tanong ng dalaga. "Pakiulit nga? Dye-tim? Gano'n ba 'yon?" Napakunot ng noo ang dalaga. "Je t'aime," muling sambit ng binata. "Ay, basta 'yon na 'yon! Ang hirap naman i-pronounce niyan!" kunot-noong pakli niya't napangiwi siya. Nilingon ng binata ang nakakunot-noong si Yoona. "Secretary kita kaya kailangan mong pag-aralan 'yan," pakli ng binata. Napalunok ang dalaga dahil sa narinig. "Ano?! Bakit ko naman pag-aaralang magsalita ng 'I love you' in French? Ano bang connection ng word na 'yon sa trabaho ko bilang sekretarya mo? Bakit? May kailangan ba akong pagsabihan ng 'I love you'?" Napakunot-noo na naman ang dalaga. Biglang napabuntong-hininga ang binata. "Don't be assume-mera. Hindi ko naman sinabing, ang salitang 'I love you' ang pag-aaralan mo. What I mean is, kailangan mong pag-aralang magsalita ng French dahil kakailanganin mo 'yon lalo pa't maraming foreigner ang tumatawag sa opisina dahil hinahanap ako." "Ay, gano'n? French lang ba pag-aaralan ko?" tanong ng dalaga. "Not just French language," matipid na sagot nito. "Ano?! Eh, ano pa ba?" tanong ni Yoona habang nakakunot pa rin ang kaniyang noo. "Aside from French and English, you also need to learn how to speak in Korean, German, Chinese and Japanese," pakli ng binata sa dalaga. Hindi maipinta ang naging reaksyon ng dalaga dahil sa sinabi ng binata. "Sigurado ka? Akala ko ba sekretarya ako? Pero bakit parang gagawin mo akong tourist guide?!" Sinamaan niya ng tingin ang binata. "Kung ayaw mo, may oras ka pa para pag-isipang maging janitress na lang o kaya puwede ring hindi ka na magtrabaho, mas pabor 'yon sa 'kin," sambit nito at ngumisi. Pinipigilan lang ng dalaga ang kaniyang sariling magsalita ng hindi maganda sa binata. Halatang-halata niya rin kasing napipilitan lang itong bigyan siya ng trabaho. Wala rin naman siyang magagawa kasi kailangan niya na talagang makakuha ng trabaho para naman kahit papaano ay makapagpahinga naman ang kaniyang ina sa pagtitinda ng mga kakanin. "Tatanggapin ko siyempre," sambit niya at napatanaw siya sa labas ng bintana. Tiningnan siya ng binata, iimik pa sana ito pero mas pinili niya na lang na manahimik. "Diyan na lang ako sa tabi," sambit ng dalaga. Bigla namang hininto ng binata ang kotse. "Siya nga pala, salamat," sambit niya sa binata, then she smiled. "Anong salamat? Hindi mo ba ako patutuluyin sainyo?" tanong nito nang akma na sanang bababa ang dalaga kaya napaupong muli ito. "Ha? Pero..." Biglang napangiwi ang dalaga. Hindi sa ikinakahiya niya ang bahay o ano pa man, kaya lang iniisip niyang isang billionaire ang binata, baka manibago ito sa ambiance kapag ipinatuloy niya ito sa bahay nila. Napaka-sensitive pa naman ng mayayaman. "Pero... Ano kasi, pwede next time ka na lang tumuloy?" tanggi niya rito. "Babawiin ko 'yong trabaho o patutuluyin mo ako?" sambit nito. Gusto lang ng binata na makita kung ano ang sitwasyon ng dalaga. Biglang sumimangot ang mukha ni Yoona. "Nagbibiro lang ako, sige, you can go now," sambit ng binata, kaya agad namang ngumiti ang dalaga. "Sige, salamat," sambit ng dalaga. Nang binuksan niya na ang pinto ng kotse ay napalingon siya sa binata. "Why?" tanong nito. "Hindi ko pa kayang maglakad mag-isa," sambit niya. Nahihiya man siyang sabihin sa binata pero wala siyang magagawa, dahil baka gumulong-gulong pa siya kapag natumba siya. "Sige," sambit ng binata at bumaba kaagad ito ng kotse. Inalalayang bumaba ang dalaga at nang makababa ito ay nagulat ang dalaga dahil bigla siyang kinarga nito na parang bata. "Uy, ibaba mo ako! Nakakahiya. Sobramg dami pa namang Marites sa 'min, baka sabihin nila na may namamagitan sa 'tin," pakli ng dalaga. "Ayoko kasing natatagalan ako, kaya mas okay na ito para mabilis tayong makarating sa inyo," sambit ng lalaki. "Hays. Madami ngang Marites, eh," muling sambit ng dalaga. "What's Marites?" tanong ng binata. "Tsismosa," tugon ng dalaga. "Just don't mind them. Saan ba rito ang daan patungo sa inyo?" muling tanong ng binata. "Hay naku, sabi ko kasing ibaba mo na lang ako, eh. Diretso ka lang tapos sa right side may maliit na daang papasok, diretsuhin mo rin 'yon tapos may makikita kang brown and white na kulay ng bahay na medyo luma na, iyon na iyon ang bahay namin," pahayag ng dalaga. "Okay," maikling tugon nito, at dumiretso na siya sa paglalakad. Tinakpan ni Yoona ng kaniyang buhok ang mukha niya. Alam niya kasing siguradong pag-uusapan na naman siya ng mga tao kapag nakita siyang may lalaking kumarga sa kaniya. Hindi naman sa nagpapaapekto siya kaya lang, sawang-sawa na talaga siya sa mga naririnig niya, baka hindi niya na siya makapagpigil na makabitaw ng masasamang salita. "Ganito ba talaga rito?" tanong ng binata. "Oo, bakit?" "Nothing," sagot nito. First time ng binata na makapunta sa lugar na maraming taong parang nakakita pa lang ng isang katulad niya. Kulang na lang ay salubungin siya. "Ito na ba ang bahay n'yo?" Dahan-dahang nilingon ng dalaga ang kaniyang ulo. "Oo, ito na nga. Ibaba mo na ako," sambit nito. Nang mababa niya na ang dalaga ay inikot ng binata ang kaniyang mga mata sa paligid. Masiyado siyang namamangha dahil first time niyang makapunta sa ganitong lugar. Bukod sa masikip na ay mga maliliit ang bahay at napakarami pang mga matang nakatingin. "Sige, dito na lang ako. Wala yata sila Mama, eh," sambit ng dalaga. "Hindi mo na ba ako patutuluyin?" tanong ng binata. "Hindi na kasi wala sila Mama, baka kung ano pang isipin ng ibang tao kapag pinapasok kita sa loob ng bahay namin," pahayag ng dalaga. "Gano'n ba 'yon? Okay, sige. I'll go ahead now," sagot ng binata. Sa totoo lang ay pabor sa kaniya na hindi siya pinatuloy ng dalaga dahil hindi niya talaga kayang tumagal sa ganoong klase ng lugar. "Sige, salamat. Mag-iingat ka," tugon ng dalaga. Tumalikod na ang binata. Marami pa ring mga taong nakatingin sa kaniya. "Uy, Yoona! Sino ba 'yong lalaking kasama mo?" bungad ng isang tsismosa sa kanilang lugar. "'Yong taong nakabangga lang po sa 'kin," sagot niya. "Ay, oo nga. Anong nangyari sa 'yo?" tanong pa nito nang makitang nahihirapang maglakad papsok ng bahay ang dalaga. "Nabangga nga po. Sige na po, kailangan ko ng magpahinga," sambit niya rito. Minsan, naiirita na rin talaga siyang sobra sa mga tao dahil bawat kilos niya at ng pamilya niya ay parang laging binabantayan ng mga ito. Nang makapasok na siya ng bahay ay bigla niyang sinara ang pinto. Naupo muna siya sa upuang nando'n sa harap ng mesa. "Nay?" tawag niya sa kaniyang ina. Nasaan kaya si Nanay? Hindi naman naka-lock ang pinto. Ani niya sa kaniyang sarili. Biglang bumukas ang pinto kaya natutop niya ang kaniyang dibdib sa pagkagulat. "Oh, bakit nandito ka pa?" bulalas niya nang makita niyang pumasok si Lune Bleue ng bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD