"Good morning Sir, hindi ko pa rin po mahanap kung sino ang humingi ng copy ng CCTV footage sa pub," bungad ng kaniyang informant. Napahinga siya ng malalim, "Kailangang malaman natin kung sino iyo, ipagpatuloy mo lang ang paghahanap. Hindi puwedeng hayaan na lang natin iyon dahil natitiyak kong may malaking plano ang kumuha ng footage na iyon, dahil hindi naman hihingi basta-basta ng footage ang isang tao kung hindi naman interesado," pahayag niya.. "Yes, Sir. Siya nga po pala, narito ang cctv footage nang time na humingi ang isang lalaki ng cctv footage ng party ninyo sa pub. Gusto ko lang pong ipakita sa inyo dahil baka po kilala ninyo ang kilos ng lalaki. Naka-hoodie siya at nakasuot ng mask," pakli ng informant, saka inabot sa kaniya ang flash drive na naglalaman ng cctv footage. "

