"Huwag mong sabihin 'yan Ate, dahil hindi mamamatay tao si Papa. Hindi niya sinasadya ang nangyari," sita ng kaniyang kapatid sa sinabi niya. "Sinasadya man o hindi, napatay niya 'yong tao kaya nga nakulong siya, hindi ba? Kaya ano pa nga ba ang tawag doon? 'Di ba, mamamatay-tao?" wika niya. Bigla siyang sinapak ng kaniyang ina, "'Wag na 'wag mong sasabihin 'yan, dahil kahit kailan ay ginawa ng Papa mo ang pumatay ng tao, kung balak niyang pumatay ng tao, e, sana hinayaan ka rin niyang mamatay ng nangyari ang aksidenteng iyon!" Bigla siyang nagulat sa sinabi ng kaniyang ina, hindi niya maintindihan ang nangyayari, papaanong nangyari na naroon din siya sa insidente, twenty years ago. "Mama, anong sinasabi ninyo? Wala akong naiintindihan, hindi ko maintindihan. Paanong naroon ako? Anong

