"Hello?" bati ng binata sa tumawag sa telepono. Ang mommy niya iyon. "Ano itong na newspaper?! Nakuhanan ka ng mga paparazzi na nakikipag-date ka raw sa isang babae at pinaghihinalaang isa raw ito sa empleyado ng kompaniya!" galit na bungad ng kaniyang ina. "Mom, aayusin ko 'yan," sambit niya. "Dapat lang! Alam mo namang makakasira sa kompaniya natin 'yan!" sambit nito at ibinaba na nitong bigla ang telepono. Napahawak siya sa kaniyang ulo. Dumating na ang kinatatakutan niya, pero mahal niya si Yoona, sobrang mahal na mahal niya ito. Nang bumalik na si Yoona galing comfort room ay bigla niya itong sinalubong at niyakap ng mahigpit. "Kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ayokong mawala ka sa buhay ko," wika niya. "Siyempre naman, ano bang nangyayari sa 'y

