Maagang namalengke si Yoona upang mabilhan ang kaniyang ama ng mga pasalubong. Sa 'di inaasahan ay nakasalubong niya si Rose. "Yoona?!" Tawag nito at bigla siyang niyakap nito. "O, Rose? Kumusta?" sambit niya. Bigla siyang hinampas ng kamay nito, "Naku, ako nga dapat ang magtanong sa 'yo niyan, eh! Ano bang nangyari at bigla ka na lang nawala sa kompaniya? Ni wala ka man lang paalam, bigla na lang naming nalaman na nag-resign ka na," wika nito. "Mahabang kuwento Rose, naghiwalay na kami ng boss ninyo pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kami naghiwalay, ah! Basta, isang malalim na rason tungkol sa pamilya namin," wika niya. "Ah, gano'n ba? Nangyayari talaga 'yan. Hayaan mo na, magpakatatag ka na lang. Wala naman nga si Sir sa office, eh, nasa France siya ngayon, pinuntahan ang lol

