Chapter 39

1167 Words

Hinihintay niyang bumalik si Yoona pero hindi na iyo bumalik. Hindi niya na rin ito makita na nasa tabi ng dagat. Nasaan na kaya siya? Nakita ko pa lang siya kaninang naglalakad rito, eh. "Yoona?!!" tawag niya rito. Sinunod niya ang dinaanan nito pero nabura na ng alon ang footprints nito. Nasaan na kaya siya? Alangan namang nalunod siya? Eh, wala naman siyang sinabing maliligo siya. Hindi siya puwedeng mawala! "Yoonaaa!!!" sigaw niya. Alalang-alala na siyang sobra. Naisipan niyang baka bumalik na ito sa resthouse kaya tumungo sa roon. "Yoona?!" sigaw niya, pagpasok niya ng gate. "Guard, nakita ninyo po ba si Yoona?" tanong niya rito. Hindi pa nga nakakapagsalita ang guard ay napalingon siya dahil tinawag siya ni Yoona. "Lune Bleue?! Nandito ako," nakangiting tawag nito sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD