It's already 10PM at patapos na rin kami rito sa coffee shop. Jane and her husband left one hour ago after we exchanged gifts. Bawal nga kasi siya magpuyat at may check-up pa raw siya bukas. "Sino mag-uuwi sa akin?" tanong ni Xian at ngumuso. Namumula na rin siya dahil sa kalasingan. Nagtinginan kami nina Mads at Crystal. Nagkibit-balikat lamang si Crystal. Hindi naman nila pwedeng isabay si Xian dahil mapapalayo lang sila. Nagtaas ng kamay si Mads."Kami na lang. Tutal naman sa inyo na siya sumabay kanina, kaya kami naman ang maghahatid sa kaniya ngayon," aniya. Tumango na lang ako dahil malapit lang din naman ang condo ni Xian sa kanila. Pagkatapos namin magligpit ay nagpaalam na rin kami sa isa't-isa. Sumakay na ako sa kotse ni Basti. Sina Mads ay nasa unahan namin at sina Crystal n

