Nakahinga ako nang maluwag nang magising ako rito sa kama ko. Sa pagkakatanda ko ay sina Xian at Kale ang naghatid dito sa akin sa unit. Napahawak naman ako sa ulo ko nang maramdaman ang p*******t nito. And another thing that I hate right now is Ate Sadie sleeping with me here in the same room. Kaya naman pagkabangon na pagkabangon ko ay siya agad ang tumambad sa akin. "Can we talk, Sierra?" Tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa mukha niya kanina at bumango para harapin ko. Akala ko pa naman ay tulog pa siya. Hindi ko siya pinansin at lumabas na lang ng kwarto para uminom ng tubig. Ang sakit talaga ng ulo ko. Nahagip ko pa ang sarili sa salamin at napansin ko na namamaga ang mata ko. Malamang ay dahil ito sa pag-iyak ko kagabi. I heard Ate Sadie's footsteps, but I didn't bother to

