The inauguration will be in a few days, at gaya ng sinabi ni Basti, bumawi nga siya. Ilang araw na siyang bumibisita sa coffee shop at pagkatapos ay kumakain kami sa labas. Hindi rin siya pumapalya sa pagte-text at pagtawag sa akin. And I know that after the inauguration, bihira niya na ito magagawa dahil mas magiging busy siya sa company nila. Yes, Basti will be the next president. Bago pala siya umalis ay napag-usapan na nila ito ni Lolo Sergio. Sa kaniya pa rin daw ipapasa ang posisyon. Right now, we are on our way to Laguna. We have decided to go to Enchanted Kingdom. Sa ngayon, ito na muna ang magiging huling gala namin ni Basti, though he told me that we can still have lunch or dinner together when he gets some free time. Okay lang naman sa akin iyon, basta nakakapag-usap pa rin kam

