SACHI’S POV Mahaba pala talaga ang oras na inilalaan ng mga estudyante sa training. Tatlong oras na kaming nagte-training ngayon at may natitira pang dalawang oras. Ramdam ko na ang sakit ng katawan ko dahil sa simula pa lang ng training ay nabugbog na ako ni Ms. Aira. Matagal na rin kasi ang huling training ko noon kaya mabilis na ulit mapagod ang katawan ko. Maski nga ang mga Grandis ay mahahalatang pagod na pagod na sa training. “Teka lang, Ms. Aira. Bakit yata parang masyadong mapagod ang training natin ngayon?” narinig kong reklamo ni Lyca. “Ipagpaumanhin mo Prinsesa ngunit iyon ang bilin ni Director Montero. Mas kailangang tutukan ang training niyo dahil sa insidenteng nangyari no’ng nakaraan. Hindi na tayo pwedeng magpa-easy easy lang dahil seryoso na ang threat sa buhay mo,” ser

