SACHI’S POV Isang maingay na academy ang sumalubong sa amin ngunit agad ding nagsitahimikan ang mga estudyante ng makita nila kaming sama-samang naglalakad. Medyo nasasanay na ako sa atensyon na ipinupukol nila sa akin ngunit hindi ko pa rin maiwasan na kabahan at matakot na baka may gawin na naman sila sa akin. Naalala ko ang sinabi sa akin ng direktor na hindi na nila ako gagalawin kapag nakita nila ang logo sa blazer ko ngunit sa nakikita ko ngayon, parang iba ang nararamdaman ko. Sa halip na pag-iwas ay parang mas lalo pa silang na-curious sa akin. Sino nga ba naman kasi ang kakarating lang sa mundong ito ang mspo=promote agad? “Ayos ka lang ba, Sachi? Dapat kasi hindi ka muna pumasok at dapat nagpapahinga ka pa ngayon,” seryosong sabi sa akin ni Monica na kasabay ko paglalakad. Nas

