SACHI POV
Lunch break na kaya mabilis na naglabasan ang mga kaklase ko. Napabuntong hininga naman ako dahil hindi ko alam kung nasaan ang canteen. Bahala na nga.
Lumabas na din ako ng classroom. Wala nang mga estudyante pa ang nakakalat sa kung saan. Malamang ay nasa canteen na silang lahat. Naglakad na lang ako pababa ng hagdan nung makaramdam na naman ako nang kung anong bagay na papunta sa akin.
Ito na naman ba? Tsk.
MONICA POV
Naglalakad na kaming apat ngayon papunta sa classroom ni Sachi. Susunduin namin sya ngayon dahil lunch break na. Nabalitaan kasi namin yung nangyari kanina. Her classmates tried to hurt her. At ayaw na naming maulit yun. We considered Sachi as our friend kaya poprotektahan namin sya. Besides, kami nina Blake at Clyde ang nagdala sa kanya dito.
Nasa may hagdan na kami nung pigilan kami ni Blake sa paglalakad. May itinuro sya sa amin na agad naming tiningnan.
“Sachi.”, pabulong kong sambit.
Nasa may hagdan sya nung makita namin na may ice dagger na papunta sa kanya. Mukang ramdam naman nya yun dahil bigla syang tumigil at iniwasan ang mga dagger. Muntik pa syang mawalan ng balanse pero agad syang nakahawak sa may hagdan.
“Wow.”, narinig kong sabi ni Lyca.
Maski ako ay namangha sa nakita ko. Matalas ang senses ni Sachi at parang normal na lang sa kanya yun samantalang sa amin, dun kami hirap na hirap. Malalakas ang aming Special pero mahina pa ang aming physical defense.
May parating na naman na mga ice daggers sa kanya. Wala ba talaga silang plano na tigilan si Sachi. Susugod na sana kami ni Lyca pero agad kaming pinigilan nina Clyde at Blake. Tumingin ulit ako kay Sachi at dinapuan agad ako ng kaba dahil tumalon sya mula dun sa may hagdan. Mataas yung kinatatayuan nya kanina at paniguradong mababalian sya ng buto kapag mali ang bagsak nya sa lupa.
Nakahinga lang ako ng maluwag when she landed safely on the ground. Nakatukod ang isang kamay nya sa lupa at nakatungo. Halata din na hinihingal sya dahil taas baba ang balikat nya.
Unti unti naman syang napapalibutan ng buhangin pero parang hindi nya yun napapansin.
“Shocks, tulungan na natin sya.”, natatarantang sabi ni Lyca. Maski ako ay natataranta na din.
“No.”, mariing sabi ni Blake.
“Pero Blake.”
Sumulyap lang sa akin si Blake then ibinalik nya ang tingin kay Sachi. Ganun din ang ginawa ko at napatakip ako ng bibig dahil natatabunan na si Sachi ng buhangin pero nanatili lang syang nakaluhod. Nung tuluyan na syang mabalutan ng buhangin ay may mga ice sword na tumusok sa kanya.
“May balak ba silang patayin si Sachi? Tulungan na natin sya.”
Pero bago pa man kami makalapit kay Sachi ay bigla na lang naglaho ang mga ice sword at nagtalsikan ang mga buhangin na bumalot sa kanya. Tumayo sya na parang walang nangyari.
“Uy, nandyan pala kayo. Anong ginagawa nyo dito?”, nakangiti nyang tanong sa amin.
“Paano mo nagawa yun?”
Sa halip na sagutin ko sya ay tinanong ko sya kung paano nya nagawa yun. Wala man lang syang galos kahit isa at parang hindi sya nasaktan.
“Alin? Yung pagtalon ko ba? Tinuruan kasi ako ni papa noon kung paano tumalon ng mataas na hindi naiinjured.”, sagot nya sa tanong ko.
“Hindi yun Sachi. Paano ka nakalabas sa sand covering?”, tanong ni Lyca.
Sand covering kasi yung tawag dun sa technique na ginawa ni Kyro, ang sand manipulator. Babalutan ka ng buhangin hanggang sa tuluyan ka nang matakluban nito. Kapag nangyari yun, uubusin ng mga buhangin ang oxygen content ng katawan. Deadly ang technique na yun at hindi dun basta basta makakalabas.
“Sand covering? Anong pinagsasabi nyo? Tumalon lang naman ako.”
Literal na napanganga kami sa sinabi nyang yun. Ibig bang sabihin nun ay hindi nya alam na nabalutan na sya ng mga buhangin? Pero paano nya nagawang makalabas dun ng ganun kadali?
“Ang mabuti pa ay kumain na tayo. Tara na.”, pagyayaya ni Clyde.
Naglakad na si Clyde na agad namang sinundan ni Blake. Kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Hinila ko pa nga si Sachi dahil ayaw pa nyang sumama sa amin. Kesyo daw Grandis kami at sya ay ordinaryong Maxine lang. Tss.
Habang naglalakad ay nakatingin na naman sa amin ang ibang estudyante. Hindi na bago sa amin ang ganitong senaryo. Pero alam kong may ibang ibig sabihin ang mga tingin nila. Siguro ay kinukwestyon nila ang pagsama sa amin ni Sachi dahil hindi sya Grandis. Kaya nga naiinis ako sa kanila eh, porket ba ordinaryong Maxine lamang si Sachi ay bawal na syang sumama sa amin?
Mabait si Sachi, ramdam ko yun. Hindi sya katulad ng iba na ang habol lang sa amin ay ang aming kasikatan sa academy na ito. She even tried to push herself away from us. At yun ang isa sa rason kong bakit I want her to be my friend. She’s natural, straightforward, simple and easy to be with.
“Anong lunch natin ngayon?”
Naputol ang pag-iisip ko nung biglang magsalita si Lyca. Nasa harap na pala kami ng tambayan na hindi ko man lang namamalayan. Clyde open the door then went inside. Agad naman kaming sumunod sa kanya at nagsiupo sa sofa.
“Monica, ikaw na ang magluto ng lunch natin ngayon.”, utos sa akin ni Clyde.
“Ako na nga ang nagluto ng almusal kanina, ako pa din ba ngayon?”, pagrereklamo ko naman.
“Ako na lang kung okay lang sa inyo.”, pagpiprisinta ni Sachi.
“Marunong kang magluto?”, naeexcite na tanong ni Lyca.
“Yeah, perks of being alone for almost seven years.”
Nakaramdam ako ng awa sa sinabing iyon ni Sachi pero parang natural na lang sa kanya yun. I mean, wala man lang syang ipinakitang emosyon habang sinasabi yun.
“Sige Sachi, ipagluto mo kami ng masarap. Nakakasawa na kasi ang luto ni Monica.”
Pinaltok ko ng unan si Clyde pero ang loko, sinalo lang yung unan kaya inirapan ko na lang sya. Nakakasawa na daw ang luto ko pero sya naman lagi ang madaming nakakain. Tss.
Ngumiti sa amin si Sachi then nagpunta na sya sa kusina para magluto. Kaya kaming apat na lang ang naiwan dito.
“Sachi is strong, right?”, pagbasag ni Lyca sa katahimikan.
“Breaking the sand covering technique in a short period of time is not a joke.”, sambit naman ni Clyde.
“And take note, she’s new and she doesn’t even know what she had done.”, dugtong ko naman.
Sabay sabay kaming tumingin kay Blake na blangkong nakatingin lang sa amin. Kumunot pa ang noo nya na parang sinasabi na may dapat ba syang sabihin.
Oh well, what do you expect? Hindi sya palaimik na lalaki.
SACHI POV
After kong magluto ng pananghalian ay agad naman kaming kumain. Adobo na lang ang niluto ko dahil yun ang pinakamadaling lutuin. Naastigan nga sila sa adobo ko dahil nilagyan ko yun ng sili kaya may konting anghang. Ubos yung kanin at ulam na niluto ko na ikinatuwa ko naman.
“Nga pala Sachi, excuse ka na sa next class mo. Pinapatawag kasi tayo ni director.”, sabi ni Monica habang inililigpit namin ang pinagkainan.
Napatigil naman ako sa ginagawa ko at kinakabahang tumingin kay Monica. Ito na ba yun, kakausapin na ba ako dahil sa nangyaring gulo kaninang umaga at tanghali?
“Relax Sachi, wala kang kasalanan. You just defend yourself.”, pagchicheer up naman sa akin ni Lyca.
Ngumiti na lang ako sa kanila kahit ang totoo ay kinakabahan ako.
After naming maghugas ng pinggan ay dumeretso na agad kami sa opisina ni director. Nakakapagtaka lang dahil kasama ko pa ang mga Grandis kapag pinagalitan ako. Nakakahiya sa kanila.
Pagkapasok namin sa building ng administration ay agad silang lumipad papunta sa opisina ni director. Samantalang itong si Blake ay binitbit na naman ako na parang sako at saka lumipad.
Pagkababang pagkababa ay agad ko syang binatukan na ikinagulat nila. Sinamaan naman nya ako ng tingin, and this time ay hindi ako nagpasindak sa kanya. Sinamaan ko din sya ng tingin.
“Nandito na pala kayo, bakit hindi pa kayo napasok?”, tanong sa amin ni director na kabubukas lang ng pinto.
“Nagsusukatan pa po kasi sila ng tingin.”, turo sa amin ni Clyde.
“Tss.”
Yun lang ang sinabi ni Blake then pumasok na sya sa opisina ng tatay nya. Tatawa tawang sumunod naman sa kanya sina Clyde kaya pumasok na din ako. At ito na naman ang kaba sa dibdib ko.
“So Ms. Sachi, nabalitaan ko ang nangyari kanina.”, panimula ni director.
Ito na nga.
“Pero hindi kita masisisi, they triggered you. Kaya dapat mo nang mapag aralan na kontrolin ang Special mo as soon as possible.”
“Sorry po.”, hinging paumanhin ko.
“It’s okay but next time, be extra careful. Well, that’s not really the reason why I called all of you.”, seryosong sabi ni director.
May iba pang rason kung bakit pinatawag kami? Anong rason naman yun?