HINDI ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya o kung paano ko pagagaanin ang kalooban niya. Basta ang alam ko ng mga oras na iyon ay kailangan kung iparamdam sa kanya na nandito lang ako. Na naiintindihan ko siya at hindi ko siya iiwan. Minsan kasi hindi mo kailangan ng kahit ano ang presensiya mo lang ay sapat na sa kanila. Inayos ko ang kumot niya ng muli siyang nakatulog. Natagpuan ko si Jed na nakaupo sa sofa habang nakasubsob ang mukha sa mga palad niya. Problemadong-problemado na ito sa kapatid halos hindi na nga iton nakakapasok sa opisina dahil dito. Natatakot na yata sa pwedeng gawin ni Nia kapag wala siya. “Ayos ka lang?” tapik ko sa balikat niya ng maupo ako sa tabi niya. Malalim itong bumuntong hininga at pabagsak na sumandal. Kahit naiinis ako sa kanya ay hindi ko naman

