Hingang malalim, pikit mata habang palakad-lakad sa sala at walang tigil ang pagbuntong hininga. Ganito ako simula ng makabalik kami dito sa bahay. Halos hindi na ako mapakali simula ng sabihin ni Diego na antayin ko siya sa sala dahil mag-uusap kaming dalawa. Hindi ko alam kung sinabi sa kanya ni Inan ang tungkol sa balak kung pagpasok ng trabaho. Basta ang alam ko aatakihin na ako sa sobrang kaba ko. Iyong kahit wala naman akong sakit sa puso parang magkakaroon na ako dahil sa nerbiyos ko. “Ate umupo ka kaya? Kami ang napapagod sa iyo,” sita sa akin ni Paloma na kanina pa pala ako pinapanood. “Papaalisin na ba niya ako dito? Ayokong bumalik sa Kuya ko galit ako sa kanila.” “Ate Abba, palagay ko naman hindi. Tsaka hindi ganoon si Kuya Diego hindi ba Boni?” pareho kaming napabaling

