DIEGO’S POV PABAGSAK akong nahiga sa kama ko at sinubsob ang mukha ko sa unan. Para akong bata doon na sinigaw at iniyak lahat nang sakit na nararamdaman ko. Lahat nang takot at pagsisisi ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at hindi ko alam kung paano ko ito ihahandle mag-isa. Ang buong utak ko yata at puso ngayon ay parang binagyo sa sobrang gulo. Napatingala ako sa kisame nang mapagod ako. “Kuya, ano tapos ka na ba? Alis na tayo baka pagalitan tayo ni Nanay kasi ang arte mo,” tawag sa akin ni Mavi na nakasilip lang sa pinto nang kwarto ko. “Sapak gusto mo? Susunod na ako—” “Hindi ka pwedeng magmotor sabi ni Nanay. Kaya kailangan mong sumabay sa amin,” ngisi niya bago nagmamadaling lumabas. Wala akong nagawa kung hindi tumayo at sumunod na kay Mavi. Pagdating sa kotse ay si

