TWO YEARS AFTER… HUMINGA ako ng malalim bago muling yumuko. Madalas ng sumasakit ang likod ko lalo na kapag nililinis ko ang kalat ni Primo. Isa-isa kung pinulot ang mga lego at cars na agkalat sa paligid. Dapat talaga ay wala syang mga laruan. But like his Dad nahihilig din sya sa kotse at kung ano-anong bagay na binubuo. Kakalinis ko lang kanina pero ngayon ay sobrang gulo na naman nito. Minsan gusto ko ng magwala eh! Kaso mas malakas ang topak ng anak ko kaya wag nalang. Nagpapasalamat naman ako na dumating sila sa buhay ko sadyang hindi ko lang akalain na kapag lumaki na ay mas lalong sasakit ang ulo ko. Hindi ko lang akalain na ganito pala kahirap ang may anak kang lalaki at ganito katigas ang ulo. Ngayon ko narirealize ang sakit sa ulong binibigay ko sa parents ko. “Baby, napa

