Mapait akong napangiti bago tiningnan ang sarili ko sa salamin. Panibagong araw sa buhay na kasama ko sila. Pero hindi ko alam kong dapat ko bang seryosohin ang sinabi ni Diego kagabi. Pero kahit anong siksik sa utak kong lasing lang ito ay nandoon pa rin ang sakit. Naiiwan at matagal maghilom gaya ng isang sugat na madalas kong makuha sa lahat. Ang natutunan ko na sa tuwing maiistock ako sa isang sakit mas lalong lumalala ang sugat at sakit nito. Sugat na kahit anong gamot ko ay paulit-ulit lang itong nagnanaknak sa loob. Lumalaki at mas lumalalim at mas mahirap pagalingin. “Abba, saan ka pupunta?” salubong sa akin ni Boni ng makalabas ako ng bahay. Mukhang magbubukas palang siya ng shop nang silipin ko ang orasang nasa dingding ay alas siyete palang ng umaga. “May pupuntahan lang a

