AKALA ko ang lahat ng pwede mong isiksik sa utak mo ay tatanggapin nalang nito ng buong puso. Pero hindi pa rin pala. Dahil ngayon na alam kong pati si Diego ay alam ang nangyari sa akin noon ay mas lalong gumulo ang takbo ng utak ko. Para akong batang iyak ng iyak doon sa harap nila. Ayokong lapitan nila ako o hawakan man lang dahil ng mga oras na iyon ay ang sama-sama ng loob ko sa kanilang lahat. Kahit ano sigurong salita ang sabihin nila ng mga oras na iyon ay hindi ko maiintindihan. Basta ang alam ko galit ako sa kanila. “Tinanong kita. I ask you for a few times if you knew something. I gave you a chance to explain yourself on me, but you wasted that chance. Instead you sided them as if I doesn’t deserve the truth about my past,” hilam sa luha kong sumbat sa kanya. Wala naman

