"Mayumi!" Sigaw na unti-unting nagpamulat sa akin. Marahan kong inilagay ang aking kamay sa mga mata upang maibsan kahit papaano ang panlalabo niyon.
"No! Wala akong ginawang masama! Let me go!" Malakas na sigaw na alam kong nagmula kay Akihiro. "Mayumi, wake up!"
Naramdaman ko ang pagbalot ng makapal na kumot sa aking katawan. Kasunod niyon ang pagbuhat sa akin ng kung sino. Muli kong kinusot ang aking mga mata. Ilang minuto lamang ay luminaw na ang paningin ko. Tumambad sa akin ang napakaraming pulis. Nang ilibot ko ang tingin ay nakita ko si Akihiro na nagpupumiglas sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya.
Bumaba ako sa pagkakabuhat sa akin ng lalaki. Hinayaan kong mahulog ang makapal na kumot sa sahig. Wala na akong pakialam kung lumantad man ang damit panloob ko. f**k! Hindi ko alam kung paanong nawala ang mga damit ko. But I'm sure, it was because of Vince.
"Aki—."
"No, don't let her go near him." Sabi ng boses na nagpanginig ng buong pagkatao ko. "He almost killed me. You see, he was about to shoot me when you guys enter this room. I only helped Mayumi. She was about to get raped. At kung hindi ako dumating—."
"f**k you, you f*****g liar! You're the one who attempted to kill us! Mayumi can testi—." Hindi na naituloy ni Akihiro ang pagsasalita nang walang pasabing sinipa ito ni Kuya Vince.
Gusto kong lumapit kay Akihiro. Gusto kong sabihin na wala nga siyang kasalanan. At totoong si Kuya Vince ang may planong gawan ako ng masama. Pero natatakot akong bigla na lamang akong bumulagta sa sahig. Ramdam na ramdam ko ang pagdiin ng patalim sa aking likuran. Hindi ko kilala ang lalaking may hawak sa akin. Pero isa lang ang sigurado ako, kasabwat ni Kuya Vince ang lalaking nasa likod ko.
"Mayumi..." Halos walang boses na sabi ni Akihiro. Unti-unting nanubig ang aking mga mata. Gusto ko siyang lapitan at yakapin.
"Subukan mong sabihin ang totoo, sasabog ang bungo ni Akihiro." Bulong sa akin ng lalaki. Bahagya ko itong nilingon. Napansin kong nakasuot ito ng uniporme ng mga pulis. Maaari kong sikuhin ang lalaki at makipag-agawan sa patalim na hawak nito. Pero nang lingunin ko ang dalawang lalaking may hawak kay Akihiro ay lalong sinakop ng takot ang aking dibdib. Parehong nakangisi ang dalawa. Tila ano mang oras ay may gagawin silang masama kay Akihiro kapag sinubukan ko siyang ipagtanggol. Nanginig ang aking mga kamay. Biglang sumagi sa isip ko na baka hindi lamang ang tatlong lalaki ang kasabwat ni Kuya Vince.
Bigla akong napangiwi. Dumiin pang lalo ang patalim sa aking likuran. Hindi ko na napigilan ang mapayuko. I need to think a plan para makawala sa sitwasyon na ito. Kailangan kong mauto ang lalaking may hawak sa akin. I know I should help Akihiro. But my stupid brain—it seems like it stop functioning! Dammit! I couldn't think clearly!
"Chief! Maayos na po ang bangka. Pwede na tayong umalis." Pagbibigay alam ng isang pulis na nanggaling sa labas.
Mabilis na tiningnan ko si Akihiro. Tila sinakop ng lamig ang dibdib ko nang makita ang walang emosiyon niyang mukha. It was dark. Seconds later, I noticed that there's a hint of anger in his eyes. Parang bumagal ang takbo ng mundo nang sapilitang hatakin ng dalawang pulis si Akihiro para ilabas sa kuwartong kinaroroonan namin. And when he walked pass me, there's no more anger but pain in his eyes.
"I'm sorry," the only words that I can say.
Kung hindi lamang ako naiipit sa sitwasyon hindi ko hahayaang pagbintangan nila si Akihiro. Wala siyang kasalanan!
—
"Gusto ko siyang makita. Shane, please, hayaan mo akong makausap si Akihiro." Umiiyak na pakiusap ko kay Shane habang nasa labas kami ng presinto.
Panglimang subok ko na yata ito. Sa bawat araw na pumupunta ako sa presinto para dalawin si Akihiro ay palaging nariyan si Shane. Siya ang palaging humaharang sa akin. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin iyon. Alam kong may kasalanan din ako. Pero ang pagbawalan niya akong makita at makausap si Akihiro ay hindi ko yata makakaya. Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong ipaalam kay Akihiro na alam kong makakatulong sa aming dalawa.
"Pasensiya na talaga Mayumi. Ayaw—."
"Bakit ba ayaw ni'yo akong payagan? Sabihin ni'yo kay Akihiro na narito ako. Kapag narinig niya ang pangalan ko tiyak na—."
"Si Akihiro mismo ang nagsabi na huwag kang papapuntahin dito."
Natigil ako sa pag-iyak. Umawang ang aking bibig. Nanatili lamang akong nakatitig kay Shane.
"What?"
Bumuntong-hininga si Shane. Marahan niya akong inabot para yakapin. "I'm sorry, Mayumi. Si Akihiro ang may ayaw na papasukin ka sa presinto."
Tila nabingi ako sa mga sinabi ni Shane. Diyata't si Akihiro ang may ayaw akong makita. Bakit? Puno na ba ng galit ang puso niya para sa akin? I thought he loves me? Pero bakit ginaganito niya ako? Bakit hindi niya ako hayaang magpaliwanag?
"Mayumi, let's go. Babalik na lang ulit tayo kapag nagbago na ang isip ni Akihiro." Sabi sa akin ni Emily bago ako hinila papunta sa kinapaparadahan ng aming sasakyan.
Nagpupuyos sa galit ang puso ko. Kung hindi dahil kay Manang Susan at Kuya Vince, hindi magiging ganito ang sitwasyon namin ni Akihiro!
"Nasa hacienda pa ba si Manang Susan?" Malamig kong tanong.
"Yes," sagot ni Emily habang nagmamaneho. "Hanggang ngayo'y hindi pa rin nila alam na marami ka nang ebidensiya laban sa kanila. Of course, they still doesn't know na alam mong siya ang dahilan ng pagkamatay ni Tito Arnold at Tita Elizabeth."
Kumuyom ang aking mga kamao. Mahigpit iyon kaya naman hindi na ako nagtaka nang mamuti ang aking kamay.
Pagkarating sa bahay ay kaagad na tinungo ko ang kusina. Eksaktong sinalubong ako ni Manang Susan ng matamis na ngiti. Nakakasuka! Huminga ako ng malalim. Pagkatapos niyon ay walang pasabi ko itong hinatak sa buhok.
"Mayumi!" Magkapanabay na sigaw ni Manang at ni Emily.
"Kasalanan mo kung bakit nagkakaganito kaming lahat!" Malakas kong sabi sabay tulak kay Manang Susan. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata. "Sino pa ang kasabwat mo?"
"Mayumi, anak..."
"Emily, pakitawagan si Atty. Dela Vega. I need him now." Malamig kong sabi na ikinawala ng kulay sa mukha ni Manang Susan.
—
"Mayumi, c'mon, dinner's ready!" Masiglang anunsiyo ni Emily. Tahimik na tumango lamang ako.
Wala akong ganang kumain. Simula nang makaalis kami sa isla ay hindi na ako nakakakain nang maayos. Palagi kasing okupado ng tungkol kay Akihiro ang aking isipan. Dalawang buwan na ang nakakalipas pero heto at hindi ko pa rin siya makausap. Hindi dahil sa wala akong lakas ng loob na harapin siya. Kundi dahil sa utos niyang huwag na akong bibisita sa kaniya sa kulungan.
Kasalanan ko rin naman kung bakit siya naroon ngayon. Kung naging matapang lang ako. Kung naging maayos lang sana ang pag-iisip ko nang mga oras na iyon. Kung hindi sana ako natakot. Wala sana siya ngayon sa kulungan. Hindi niya sana pinagdurusahan ang kasalanang hindi niya ginawa.
"Hey," mahinang sabi ni Emily bago naupo sa aking kama. "Umiiyak ka na naman."
Pumikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Emily sa aking pisngi. "Ayaw niya na akong makita, Emily."
Paghinga nang malalim ang naging tugon niya sa akin. Marahan siyang tumayo. Naglakad siya palapit sa malaking bintana ng aking kuwarto. Kaagad akong bumaling sa kabilang panig ng aking kama nang hawiin niya ang kurtina ng bintana. Tumagos sa salamin niyon ang liwanag.
"Eh kung ipaliwanag mo kaya sa kaniya ang dahilan kung bakit hindi ka nakapagsalita para ipagtanggol siya? Siguro naman maiintindihan ka niya. Mahal ka niya 'di ba?"
"Paano akong makakalagpaliwanag kung bawat pagpunta ko sa presinto ay hinaharang na ako ng magaling niyang kaibigan? Pinipilit nila akong umuwi at huwag nang kausapin pa si Akihiro!" Bigla akong napahagulgol. Gustong-gusto ko nang makausap si Akihiro. Ayaw kong habang-buhay niya akong kamuhian.
"Sasabihin ko kay Dad na gawan niya ng—."
Malalakas na katok sa pinto ng aking kuwarto ang nagpatigil kay Emily sa pagsasalita. Bumukas iyon at pumasok si Atty. Dela Vega. Tila pagod na pagod ito. Pero kababakasan naman ng tuwa ang mga mata.
"Mayumi, good news!" Malakas nitong pahayag. Mabilis itong lumapit sa amin. Walang pasabi nitong inilatag ang laman ng suitcase na dala nito. "Here are some printed footages of what we found in one of the rest house's security cameras."
Walang pasabi akong bumangon. Kinuha ko ang mga papel na siyang magbibigay ng kalayaan kay Akihiro. Muli akong napahagulgol nang makita ang buong pangyayari. Papel pa lamang iyon, paano pa kaya kung ang actual footages na ang pinapanood ko. "Then where's Kuya Vince? Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa amin ni Akihiro."
Malaking ngiti ang pinakawalan ni Atty. Dela Vega. "Nasa custody na siya ng mga pulis na dumakip din kay Akihiro. Kasama sa mga inaresto ang tatlong pulis na kasabwat niya. Maging si Susan ay hinuli. Pero magkaibang kaso ang kinakaharap nila. At alam mo na kung ano ang mga iyon."
Walang pasabing pumasok ako sa aking walk-in closet. Mabilis na kinuha ko ang isang bestida. Kailangan kong mag-ayos ng sarili bago puntahan si Akihiro. Paniguradong kakausapin niya na ako oras na malaman niyang makukulong na si Kuya Vince at si Manang Susan.
"Maliligo lang ako saglit. Hintayin ni'yo na lang ako sa baba."
"Uh, Mayumi..."
"Atty, alam kong gabi na at may posibilidad na hindi na naman ako harapin ni Akihiro. Pero natitiyak kong matutuwa siya kapag nalaman niya ang ibabalita ko." Sabi kong nakangiti nang malaki. Hindi na ako makapaghintay.
"Pero Mayumi—."
"I'll be quick! Hindi kayo maghihintay ng matagal sa—."
"Wala na sa kulungan si Akihiro." Sabi ni Atty. Dela Vega. Natigil ako sa akmang pagpasok sa banyo. Tiningnan ko nang maigi si Atty. Dela Vega.
"What?"
"Dalawang araw na siyang wala sa kulungan. At dahil iyon sa mga ebidensiyang nakalap namin. Nauna ko nang naipaalam kay Akihiro ang tungkol sa mga CCTV footages. Hindi ko lang kaagad nasabi sayo dahil alam kong busy ka sa hacienda."
Pinilit kong pasiglahin ang sarili. "Then, that's good! Babalik na siya rito!"
Nawala ang ngiti ko nang marahang umiling si Atty. Dela Vega. "He's already in Canada, Mayumi. Kahapon siya umalis."
Wala sa sariling nabitiwan ko ang hawak na damit. Nanginig ang aking mga kamay, lalo na ang aking labi. Tears began to fall from my eyes. Wala na akong nagawa nang tuluyan akong maupo sa sahig at humagulgol. The thought of him leaving without telling me, makes me want to choke myself to death. I want to see him so bad.
"I-I'll go to C-Canada. Emily book me a flight—."
"Ang sabi ni Akihiro, huwag mo raw siyang susundan. Gusto raw muna niyang mapag-isa." Dagdag pa ni Atty.
"No! He can't do this to me! Gusto ko siyang makita!"
"Mayumi, intindihin na lang muna natin si Akihiro. He has all the reason to do that. Babalik pa naman siya, hindi ba, Atty?" Pagpapalubag-loob ni Emily sa akin.
"O-Oo naman. Babalik pa si Akihiro." Napapangiwing sagot ni Atty. Dela Vega.
Kahit na sinabi nitong babalik si Akihiro, hindi ko pa rin maiwasang malungkot at masaktan. Bakit hindi man lang niya ipinaalam sa akin? At saka, duda ako sa isinagot ni Atty. May pakiramdam akong walang kasiguraduhan kung babalik pa ba si Akihiro o hindi na.