Napansin ko ang marahang pag-iwas ni Akihiro ng tingin matapos kong itanong sa kaniya kung pumasok ba siya sa kuwarto habang naliligo ako. Wala pa man siyang sinasabi ay alam ko nang totoo nga na pumunta siya roon. Malakas na tikhim ang pinakawalan ni Shane. "Why don't we eat dinner first? Napag-alaman ko mula kay Emily na ngayon ka na lang ulit makakatikim ng lutong pinoy? Tamang-tama masarap magluto si Aki—." "Aren't we going to wake up Maki? Hindi pa siya kumakain." Sabi ko habang naglalakad palapit sa upuang nasa tabi ni Shane. Inilihis ko ang usapan. Mukha kasing hindi magiging maganda ang katatapusan ng pag-uusap namin kung si Akihiro at ako ang paksa. Hindi na lamang ulit ako magtatanong patungkol sa nangyari kanina habang naliligo ako. Siguro naman ay walang ginawa si Akihiro kan

