Kabanata 6

2010 Words
"What did you say?!" Malakas kong sabi bago pabagsak na itinukod ang mga kamay sa ibabaw ng desk ng babaeng siyang nakausap ko sa telepono kahapon. Wala pang tatlumpong minuto nang makarating ako rito mula sa farm ay ang balita kaagad nito ang sumalubong sa akin. Tinatanggal na raw nila ako. For goodness sake, ni hindi pa nga ako nakakapag-umpisa! "I'm s-sorry Ms Lazaro. Ginagawa lamang namin ang inuutos ng nakatataas." The f****d?! They hired me yesterday, tapos ngayon sasabihin nila ito sa akin?! "I could slap you right now, bitch." Mariin kong sabi dahil sa sobrang galit na nararamdaman. "I want to talk to your boss." "I'm very sorry, Ma'am, but Mr. Fuentes were already on his flight going to US. Siya ang nag-hire sa inyo." Sulpot ng isang babaeng may edad. Sophisticated and gorgeous. Intimidating, pero hindi niya ako makukuha sa titig niyang iyon. "And also the person who fired me. f**k him." "No Ma'am. Mr. Santibañez was the one who fired you. He's—." Tila lalong uminit ang ulo ko. Pangalan pa lang iyon ay kumukulo na ang dugo ko. Hindi ko pa man nakikita ang Santibañez na iyon ay gusto ko na itong sakalin. Huwag lang sanang si Akihiro ang lalaking iyon. Kundi, mapapatay ko ito. "He's our acting CEO for the whole week, Ma'am. He's a good friend of Mr. Fuentes." "Uh, whatever." Sabi ko na lamang bago kinuha ang aking bag. Bago tuluyang lumabas ay salitan na tiningnan ko nang masama ang dalawang babae. "Tell your boss, that I will be back. I will ruin his life." Pananakot ko lamang iyon, na mukhang naging epektibo dahil nakita ko ang paglunok ng dalawang babae. Paglabas ng building ay inis na sinipa ko ang gulong ng aking kotse. Dahilan para mapaaray ako dahil sa sakit na natamo. Napapadyak na lamang ako bago binuksan ang pinto. "Cute as always..." Narinig kong sabi ng isang baritonong boses. Kaagad na umangat ang tingin ko sa lalaking nakatayo't nakasandal sa kotseng nasa tabi ng kotse ko. "Hi, Princess, it's nice to see you again." Umawang ang bibig ko. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Patakbo akong lumapit dito at walang pasabi itong niyakap. "Kuya Vince! God, hindi kaagad kita nakilala!" Si Kiya Vince ay ang nag-iisang anak ni Manang Susan at Tatang Ben. Palagi kaming magkasama noon sa farm. Si Dad ang nagpaaral sa kaniya at ngayon nga'y isa siya sa may mataas na posisyon sa LGC. Kung hindi siguro dumating si Elizabeth at Akihiro sa buhay ni Daddy, baka si Kuya Vince na ngayon ang CEO sa kompaniyang naiwan ni Dad. Malapit kami sa isa't isa. Kahit na ba malaki ang agwat ng mga edad namin. Aaminin ko, I had a huge crush on him. Siguro dahil iyon sa siya ang palagi kong kasama. Nagkakasundo kami sa ilang bagay. Marahil ay dahil na rin sa atensiyon na ibinibigay niya sa akin noon. Naalala ko pa, siya ang nagturo sa akin kung paano mangabayo at kung paano lumangoy. Siya rin ang sumama sa akin noon sa unang karera ng kabayo na sinalihan ko. At doon ko nga nakuha ang pilat sa likod ng aking balikat. Hindi ko masyadong natatandaan ang buong pangyayari. Basta may bumuhat na lang sa akin. And everything went black. Pagkagising ko no'n ay si Kuya Vince ang nabungaran ko. Malakas itong humalakhak bago ginulo ang aking buhok. "Me too, Mayumi. Kung hindi ko pa nakita iyang pilat sa likod ng balikat mo'y hindi kita makikilala." Mabilis na hinawakan ko ang pilat sa aking balikat. Saglit ko iyong kinapa bago ngumiti. "Talaga? Kung nakashirt siguro ako, hindi mo ako makikilala." Kunwa'y nagtatampo kong sabi. "Hindi rin..." nakangisi niyang sabi. "Napansin na kita kanina pagpasok mo pa lang. I didn't get the chance to go to you and ask. Kaya naghintay na lang ako rito." "Oh really?" Nakangiti ko pa ring sabi bago bahagyang lumayo sa kaniya. "By the way, what are you doing here?" "I visited a friend. How about you?" Isang mapaklang ngiti ang pinakawalan ko. Muli ko na namang naalala ang dahilan kung bakit badtrip ako ngayon. "May binisita lang din." I lied. Ayaw kong ipagsabi na ni-reject ako ng isang pipitsuging kompaniya. Gosh! Mukhang wala na akong pagpipilian kundi ang magtrabaho sa ilalim ni Akihiro. "Hey, are you busy today? Mind if I ask you to go eat lunch with me?" "Aba, may panlibre ka na sa akin? Sige ba, saan tayo kakain?" Kantiyaw ko kay Kuya Vince. Ngayon ko lang napansin na may ilang nagbago sa kaniya. Kung dati'y payat siya, ngayon ay malaki at maayos na ang pangangatawan na mayroon siya. Kung guwapo na siya noon kahit may putik ang sapatos niya't nangingitim ang balat dahil sa maghapong pagkababad sa araw, lalo na ngayo na maayos ang kaniyang hitsura. Lumakas pang lalo ang dating niya. I wonder if he's in a relationship right now. Sa isang magandang restaurant ako dinala ni Kuya Vince. Kaunti lang naman ang kinain namin. Pagkatapos niyo'y bumalik kami sa parking lot ng building kung saan kami nagkita. Malaki ang ngiting nilingon ko siya bago bumaba ng kaniyang kotse. "May plano ka bang umuwi sa farm?" Tanong kong ikinakislap ng mga mata niya. Marahan siyang tumango. Alanganin. Hindi sigurado. "Naroon si Akihiro, hindi ba? Baka next week na lang. Bibisitahin ko si Mama at Papa." Tumango-tango na lamang ako bago tuluyang nagpaalam. Sakay ng kotse ay dumiretso ako sa hotel kung saan ako dapat mag-stay habang hindi pa tapos ang renovation ng condo na binili ko. Pagkapasok sa loob ay inis na isinilid ko ang mga damit ko sa maleta. Uuwi na lang muna ako sa farm. - "Nakaalis na po si Ma'am Mayumi." Kinakabahang sabi sa akin ng sekretarya ni Fuentes. Taas ang kilay na sinulyapan ko ang lalaking nakaupo sa swivel chair nito. Gaya nga ng hinala ko. Tinanggap nila si Mayumi para gamitin ito. Papabagsak na ang kompaniya ni Fuentes dahil sa mga maruruming ginagawa nito. Danilo Fuentes is a con artist. Ginagamit nito ang maliit na kompaniyang itinayo para manloko. At isa si Mayumi sa gusto nitong makuha. "Good." Mariin kong sabi bago nilapitan si Fuentes. "Huwag na huwag mo nang balakin na gawan ng masama si Mayumi. She's a monster. Hindi siya kagaya ng iniisip mo. Hindi siya madaling mauto. I just saved you, Fuentes. You should thank me." Pagkasabi ko niyon ay kaagad na akong lumabas ng opisina nito. Tama naman ang sinabi ko. Kung akala ni Fuentes ay madaling mauto si Mayumi, nagkakamali ito. Well, sa ngayon walang idea si Mayumi sa totoong hangarin ni Fuentes. Pero oras na malaman niyang may balak itong gamitin siya, natitiyak kong hindi lamang ang kompaniya ni Fuentes ang babagsak. "Kuya Vince..." Iyon lamang ang narinig ko pagkarating ko sa parking lot. Tila hangin na dumaan na lamang sa aking harapan ang ibang salitang lumabas sa bibig ni Mayumi. Kumunot ang noo ko nang makita ang pagyakap nang mahigpit ni Mayumi sa lalaking kausap niya. May jaw clenched. My fist tightened. "Vincent Lopez." Mahina kong sabi. Imbes na lumapit sa mga ito'y pinili ko na lang na tumuloy sa aking kotse. Marami pa akong gagawing trabaho, kabilang na ang trabaho sa farm. Many hours passed. Pagkarating sa Hacienda Lazaro ay kaagad na tinungo ko ang aking kuwarto. Mabigat ang lakad na lumapit ako sa kama at nahiga roon. I looked at the white ceiling of my room. Trying to relax my mind. Pero imbes na makapagpahinga ang isipan ko'y naglakbay pa iyon sa nakaraan. - "Have you seen Mayumi?" Tanong sa akin ni Ms. Haven Catacutan—ang adviser ng section nila Mayumi. "Hindi eh, bakit?" Tila walang pakialam kong tanong. I focused my eyes on the test papers that I am currently checking. Patapos na ako, ilang papel na lang. At sa tingin ko'y pinakahuli ang test paper ni Mayumi. "Uh, kasi kailangan kong makausap ang Daddy niya tungkol sa paparating na graduation." "Don't you have his digit? I mean, of course, may contacts dapat sa file ng mga estudyante mo." Seryoso kong sabi sabay ngisi dahil sa huling papel na nakita. Tama nga ako, nasa ilalim ang papel ni Mayumi. "Private na tao ang Daddy ni Mayumi. Kahit nga family day ay hindi nito pinupuntahan. Tapos ang guardian ni Mayumi ay si Mrs. Lopez, iyong mayordoma nila. Wala ngang nakakakilala sa tatay ni Mayumi. Basta ang alam lang ng iba ay mayaman sila. Alam mo na, baka kamag-anak ng mga Lazaro." "Yeah?" Wala sa sariling sagot ko. Actually, hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sinabi ni Ms. Catacutan. Namamangha kasi ako sa mga sagot na nasa papel ni Mayumi. Isang bagay ang lalong nagpangisi sa akin. Ang sagot niya sa huling activity. Damn! "Nakikinig ka ba, Sir Santibañez?" Tanong ng kausap ko bago lumapit sa akin at nakibasa sa papel na hawak ko. "What is that?!" Mabilis na itinaob ko ang papel. "It's nothing, pasaway lang talaga ang mga estudyante—." "Mayumi likes you?" Nanlalaki ang mga matang sabi nito. Ilang saglit lang ay bigla itong humalakhak. "Lakas ng karisma mo, Akihiro! Pati mga estudyante ko nahuhumaling sa iyo." "Aren't you going to say something? Like, it's against the—." "Anong against the law? Baka against sa professional code of ethics nating mga guro." Natatawa pa rin nitong sabi. "But still—." "Wala namang mali kung magkaroon ng relationship ang estudyante at guro. Nagiging mali lang dahil sa maling paniniwala. Kasi nga, akala nila sinasamantala natin ang kanilang kamusmusan. Na dapat tumayo tayong pangalawa nilang magulang." Marahan akong tinapik ni Haven. "Kailan ba naging mali ang pagmamahal?" "Ang layo na yata ng tinakbo niyang imahinasyon mo, Ma'am Haven." Kunwa'y pagbibiro ko bago muling hinarap ang test paper ni Mayumi. "Gusto ko pang magturo kaya huwag mong nilalason ang isipan ko. Lumabas ka na't hanapin mo na ang bratty Princess na iyon." Umiiling na naglakad na lamang si Haven palapit sa pinto. Pero bago ito tuluyang lumabas ay muli ako nitong sinulyapan. "Send me an invitation kapag ikakasal na kayo." "Oh, fu—shut up, Haven!" Malakas na halakhak nito ang narinig ko bago nito isinara ang pinto. I heaved a sigh. I continued checking Mayumi's paper. I couldn't help but smiles like an idiot. I'll go with the flow then. If it works, then that's good. We'll see what she's gonna do after reading my response. - Mga katok sa pinto ang nagpamulat sa akin. Saglit akong tumitig sa kisame bago bumangon. Si Manang Susan ang napagbuksan ko. "Nakahanda na ang hapunan, Hiro. Bumaba ka na't nasa hapag na rin si Yumi." "I'll be there, just give me a minute." Sabi ko bago mabilis na tinungo ang banyo para maghilamos. Damn it! Nakalimutan ko na ang tungkol sa test paper na iyon. Nakalimutan ko na ang naging sagot ko sa sinabi ni Mayumi. Pati si Mayumi ay nakalimutan ko na rin. Kung hindi lamang nakilala ni Mommy si Tito Arnold, baka tuluyan nang nabura sa sistema ko ang isang Mayumi Lazaro. "Good evening..." Pagbati ko kay Mayumi na ngayon ay may malaking ngiti sa mga labi. Kausap niya si Manang Susan. "Uuwi raw siya next week." Sabi pa niya bago lumingon sa akin. Cold and blank. "Good evening..." Sabi niya sabay baling ng atensiyon sa mga pagkaing nakahain. "Anong oras kang nakauwi?" I asked. "Kanina pang alas-tres, Kuya Hiro." Nakangisi niyang sabi bago isinubo ang steak na hiniwa niya. "Kuya?" Mahina kong sabi bago sinamaan ng tingin si Mayumi. "Sinong uuwi next week?" "Si Kuya Vince." "Vincent?" Sabi ko bago sumulyap kay Manang Susan. Awtomatikong kumunot ang noo ko sa nakitang emosiyon sa mga mata nito. Was it anger? I smirked. "Cool, kakausapin ko rin siya tungkol sa LGC." "Right, kailangan niyong mag-usap, tungkol sa kompaniyang inagaw mo sa kaniya." Makahulugang sabi ni Mayumi. Hindi ko inalis ang ngisi sa aking mga labi. Oo nga naman, si Vincent ang dapat na nasa posisyon ko. Well, then, I'm sorry. Pero wala akong balak na ibigay kahit kanino ang puwestong ito. Maliban na lang kung si Mayumi ang papalit sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD