ELIHA Sinisipsip ngayon ni Keegan ang leeg ng kanyang ina dahil ito ang utos ni ina. Nang matapos si Keegan ay humarap siya sa akin na maraming dugo sa kanyang bibig. "Malakas ka na ba, aking anak?" "O-oo, ina, salamat po at paumanhin dahil sa aking nagawa sa 'yo." "Wala akong hindi gagawin para sa 'yo, anak. Noong dumating ka kasi sa amin ay naging masaya at naging payapa kami ng iyong ama." Niyakap ni ina si Keegan at ganoon din ang ginawa ng aking asawa. Maya-maya pa ay humarap sa akin si ina at ngumiti. "Eliha, okay na ang aking anak. Ingatan mo siya palagi at sa habambuhay." Nag-bow ako kay ina sabay niyakap ko rin siya. "Mukhang nagdiriwang ang lahat! Ano ang nangyayari? Paumanhin kung ako ay dumalaw ng walang pahintulot." Naramdaman kong nagulat si Keegan at si ina nang

