25.1

2053 Words

Tumango na lang ako kay Tatay. Ang gulo, pero sana ay unti-unti ko nang malaman ang katotohanan. At syempre, ang pagkatao ni Eliha. Pagkatapos kong maubos ang isang bote ng alak ay pakiramdam ko ay lasing na ako dahil grabe ang hilo na aking nararamdaman. "Aalis na po ako!" paalam ko kay Tatay. Tumango lang naman siya. Muli akong sumakay sa tambo. Pupuntahan ko na si Eliza.. pero pasikreto akong kikilos. Habang nasa itaas ako ay pakiramdam ko ay mahuhulog ako dahil sa hilo. Dahan-dahan akong bumaba sa likod ng mansyon ni Eliza. Sakto naman dahil bukas ang pinto sa likod. Dahan-dahan akong naglakad na walang maririnig na yapak. Sigurado kasi ako na nandito lang si Eliza sa paligid. Bumungad sa akin ang sampung kwarto. Alin kaya ang sa kanya d'yan? Binuksan ko ang itim na pinto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD