HONG KONG. Matapos ang dalawang linggo na biyahe sa laot, nakarating din si Eleri at Kenichi sa bansa na huling destinasyon ng grupo nila. Seryoso si Kenichi na hawak ang kamay ng dalaga bago sila napalingon sa direksiyon ni Mateo na nakataas ang sulok ng labi. Nakadungaw ito mula sa deck sa kanilang puwesto. Alam ni Kenichi na may pinaplano pa ang Italyano. Nasa dugo nito ang hindi magpapatalo nang ganoon lang. Ngayon na wala sila sa barko, kayang-kaya nitong gawin ang lahat sa kanya sa bansang iyon. Hindi pa ito tapos sa nais nito lalo na ngayon na pinutulan niya ito ng daliri. Sa maliit na bansang iyon, mas kailangan niyang protektahan si Eleri. “Pakiramdam ko ay inaalon pa rin ako ng dagat. Nasusuka na naman ako,” wika ng dalaga. Hinaplos niya ito sa buhok. Namumutla na ito

