MAY Ilang araw na si Eleri sa bansang iyon. Naiinip na siya. Ayaw niyang manganak sa banyagang lupaing ito. Hanggang sa mga sandaling ito ay tila nababaliw ang lalaki na pinadadalhan siya ng bulaklak o kaya naman ay naghahanda sa kanya ng dnner date sa hardin nito. Maaaring may pera si Mateo at lahat ng iba pang bagay, ngunit hanggang doon lang iyon. Bilanggo pa rin siya nito. Ipinatawag ni Mateo si Eleri sa silid kung saan siya nananatili. Hinarap naman niya ang Italyano sa living room kung saan ito umiinom ng alak. Her bump was more evident than before. Everyone could tell she was pregnant now. Ilang buwan na ba siyang buntis? Apat? Hindi niya na alam. Pinagmasdan siya ng Italyano. Tumaas nang bahagya ang kilay nito matapos siyang mapasadahan. “You are still pretty even if you’re pre

