Kabanata 16

2071 Words
NATAPOS ang oras ng trabaho ni Abella sa restaurant na wala roon ang isip niya. Hindi niya maiwaksi si Nathan sa sistema na tila ba nakadikit na ito roon. Ginugulo ang isip niya. Ang puso niya. Huminga siya nang malalim matapos magbihis. Inilagay niya ang uniform sa locker at walang ganang lumabas roon. "Abella." Huminto siya nang marinig ang boses ni Neith sa kaniyang likuran. Hinarap niya ito kahit parang walang buhay ang hitsura niya. "Bakit po 'yon, Sir Neith?" tanong niya, saka bahagyang yumuko. "Hintayin mo ako ihahatid na kita," seryosong anito na halos hindi makatingin ng direto sa kaniya. Pinagdikit pa nito ang mga labi, saka ibinulsa ang mga kamay. Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Ilang araw naging cold si Neith sa kaniya at nakakapagtakang nagpresinta itong ihatid siya. Bahagya siyang nakaramdam ng ilang. Hindi pa siya nakakasagot nang mawala na ito sa harap niya at tumungo sa opisina nito. Isang minuto lang mahigit ay lumabas ito roo, bitbit ng susing nilalaro sa mga kamay nito. "Let's go?" kapagkuwa'y anito. Hindi siya makaimik. Na-miss niya ang ganitong trato sa kaniya ni Neith pero naiilang siya sa tuwing naiiisip ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Ngumiti siya, saka tumango. Nauna na itong maglakad at sumunod siya rito. Pinagmamasdan ang malapad nitong likod. "Sir Neith, okay lang po ba talaga sa inyo na ihatid ako? Kaya ko naman pong mag-isa," aniya nang tuluyan silang makalabas ng restaurant. Huminto si Neith, saka humarap sa kaniya. "Of course, Bella." Tumalikod ulit ito at humakba nang muli. "Isa pa, I'm worried masyado nang gabi para mag-isa ka." Hindi na siya umimik hanggang marating nila ang kotse ni Neith. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Bahagya niya munang tiningnan ang binata bago sumakay roon. Natutuwa siya sa nakikitang pagbabalik ni Neith. Ang dating Neith. Umaasa siyang sana'y tuluyan na nitong naitapon ang nararamdaman para sa kaniya. Na natanggap na nito na hanggang kaibigan lang sila. Katahimikan ang namayani nang umandar ang sasakyan. Panakanaka lang niyang tiningnan si Neith na abala sa pagmamaneho na tila walang balak magsalita. Masyado itong seryoso. "I-I'm sorry, Sir Neith," basag niya sa katahimikan habang nakayuko. Hindi niya alam pero gusto pa rin niyang mag-sorry dito. Sa pag-reject niya. "Sorry for what?" tanong nito na tila inosente sa mga naganap. "Sorry kasi...kasi nasaktan kita. Alam kong nahihirapan ka na makasama ako araw-araw kaya iniiwasan mo na lang ako. I'm sorry!" malungkot niyang pagtatapat dito. "Huwag kang mag-alala, I'm fine. Stop saying sorry. You just true to yourself, Bella." Ngumiti ito. "I'm the one who need to say sorry for sa pag-iwas ko sa 'yo." "Maiintindihan ko Sir Neith kung patuloy mo akong iiwasan." Alam kasi niyang hindi ganoon kadaling kalimutan 'yong sakit na ginawa niya rito. "Don't worry, Bella I won't do that again." "Sigurado, Sir Neith? Babalik na tayo sa dati?" paninigurado niya. "Yes," pakli nito. Puminta ang masayang ngiti sa labi niya nang marinig iyon. Sa wakas ay mababawasan na ang bigat ng damdamin niya. Sigurado na siya na tanggap na ni Neith ang lahat. Masaya siya dahil sa kabila nang pag-reject niya rito, nanatili pa rin ito at hindi siya tuluyang iniwan. "Hindi mo lang alam Sir Neith kung paano ako nahirapan sa tuwing hindi mo ako pinapansin. Mas malamig ka pa sa yelo," ngumuso siya. Para siyang batang nagmamaktol. "Sorry, Bella I was just confused that time. Huwag ka nang malungkot." Bumitaw ang isa nitong kamay sa manibela at ipinatong sa kaniyang ulo para guluhin ang buhok roon. "Aasahan ko ang mga sinabi mo, Sir Neith." Tumango si Neith habang nakangiti. Nahawa siya kaya kusang gumalaw ang mga labi niya para pumorma ang ngiti roon. – KINAUMAGAHAN pakiramdam ni Abella nabawasan na ang bigat na nararamdaman niya. Natitira na lang doon ang mabigat na sitwasyon na mayroon sila ni Nathan. Bumuntong-hininga siya nang maalala ang mga sinabi ni Julio sa kaniya. Alam niyang deserve ni Nathan na bigyan ng pagkakataon dahil sa efforts na pinapakita nito. Dahil sa pagpaparamdam nito sa kaniya na seryoso ito. Pero mahirap para sa kaniya na ibigay iyon dahil sa mapait na nakaraan. Tila ba may phobia na siya. Idagdag pa ang inis na nadarama niya rito dahil sa nalaman mula kay Melaine. Hindi na rin muli nagparamdam sa kaniya si Nathan na lalo niyang ikinakainis. Marahas niyang ginulo ang buhok habang gusumot ang mukha dahil sa isiping iyon. Nagsawa na ba si Nathan na suyuin siya? Kung ganoon binabawi na niya, hindi nito deserve ang pagkakataon. Inis siyang lumabas ng silid at dumeretso sa bathroom, umaasang mapapawi niyon ang inis at init ng ulo niya. Matapos niyang maligo, guminhawa ng bahagya ang pakiramdam niya pero ang inis kay para kay Nathan ay nananatili. Mabilis siyang nagbihis at naglaan ng ilang minuto sa pag-aayos ng sarili. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nadatnan niya sa sala ang lalaking laman ng isip niya. Ang labis niyang kinaiinisan. Si Nathan. Ilang araw din itong hindi nagpakita sa kaniya. Aminin man niya o hindi dahan-dahang nawawala ang inis niya rito. Gusto niya na lang itong titigan hanggang tuluyang mapawi ang pananabik niya sa binata. Napakurap siya, saka umiwas ng tingin kay Nathan nang maramdaman niya ang pagwawala ng mga kabayo sa kaniyang dibdib. Naiinis siya sa karupukan niya. Wala pa nga itong ginagawa nawawala na agad ang inis niya para rito. Paano pa kaya pag may ginawa na ito? "Maigi naman at gising ka, 'nak. Ihahatid ka na raw nitong si Nathan sa trabaho mo," sabi ng kaniyang Ina na kanina ay kaharap ni Nathan. "Po?" gulat niyang baling sa ina. Hindi niya ata kayang makasama sa iisang kotse si Nathan. Baka bumigay na siya. "Kaya ko naman pumasok mag-isa sa trabaho," tutol niya habang hinahagilap ng kaniyang peripheral vision ang magiging reaction ni Nathan. Lumapit sa kaniya ang ina. "Anak, ano bang nangyayari sa iyo? Hindi ba't okay na kayo nitong si Nathan bakit kung maka-react ka diyan, eh, daig niyo pa ang may LQ," seryosong sambit ni Marla na inosente sa mga nagyayari sa pagitan nila ni Nathan. Natahimik siya kasabay nang pagsalubong ng kaniyang mga kilay. Napansin naman niyang napangiti si Nathan, bahagya pa itong yumuko. "Tita, ang hirap po kasing suyuin ng anak niyo, eh," pagsakay naman ni Nathan sa sinabi ng kaniyang ina. Tinaasan niya ito ng mga kilay. Tumawa lang ito na tila gustong-gusto ang nangyayari. "Ano bang pinag-awayan ninyong dalawa?" "Wala kaming LQ, 'Ma. Fine, sige na payag na ako," inis na sabi ni Abella para maputol na ang ilusyong iyon. "Iyon naman pala, eh. Kung maka-react ka naman kasi, 'nak," panunudyo pa ni Marla. "Nagulat lang po ako," palusot niya. "Oh siya, sige na umalis na kayo at baka ma-late ka pa," pagtataboy ng kaniyang ina. Tumayo na si Nathan na natatawa pa rin. Inis niya lang itong binabalingan ng tingin. "Aalis na kami, 'Ma," paalam niya, saka niyakap ito. "Aalis na po kami, Tita." Nanliit ang mga mata niya at bahagyang napakiling nang magmano si Nathan sa kaniyang ina. Nagulat din pati si Marla. "Sige na, mag-iingat kayo." Tumango lang si Abella. Magkasabay na silang lumabas ng bahay. Kunot pa rin ang noo niya habang minsanang tinatapunan ng tingin si Nathan. Narating nila ang kotse ni Nathan. Pinagbuksan siya nito. Agad siyang pumasok roon habang nakairap ang mga mata. Humalukipkip siya at hindi na nag-abalang tingnan si Nathan nang makapasok ito sa sasakyan. "LQ bang matatawag ang meron tayo ngayon, Abella?" Tumingin siya kay Nathan. Nakasentro ang mga mata nito sa kalsada. "Hindi." Bumalik ang mga mata niya sa labas ng kotse. "Why? It would be, Abella. There's a love and quarrel between us," anito. Nagtama ang mga mata nila nang lumingon siya. Mabilis din siyang nag-iwas. "P-paano mo nasabing may love sa pagitan natin? Sinabi ko bang may nararamdaman ako sa 'yo?" wakang pakundangang sabi niya. Wala nga ba? tudyo ng isip niya. Hindi naman kasi totoo ang sinabi niya. Kabaliktaran iyon nang sinasabi ng puso't damdamin niya. "Well, hindi mo nga sinasabi pero nakikita ko, Abella. When we've kissed, I felt it." Lumunok siya ng laway. Hindi makatingin sa binata. Sa tuwing naaalala niya ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa, hindi niya maiwasang pamulahan. Totoong naiparamdam niya sa halik na iyon ang pagmamahal na meron siya para kay Nathan. At hindi niya iyon ipagkakaila. "Kung ganoon, mali ka nang naramdaman, Nathan," pagpupumilit niya. "H-hindi ko nararamdaman ang pagmamahal na sinasabi mo." "But you let me kissed you, Abella. Ipinaramdam mo iyon sa akin. Why don't you just admit it? Bakit kailangan pa nating pahirapan ang ating mga sarili?" tila iritado niyang tugon. Bakit nga ba kailangan pa niyang pahirapan ang sarili kung alam naman niyang mahal niya si Nathan? Iyon ay dahil natatakot siyang tanggaping muli ang binata. Humarap siya rito. "Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo, Nathan? Sa tingin mo ba gugustuhin ko pang mahalin ka pagkatapos ng masasakit na nangyari sa akin nang unang gawin ko iyon?" balik niya rito. Bahagya na ring tumaas ang boses niya. Marahas na inihinto ni Nathan ang sasakyan sa gilid ng kalsada, dahilan para bahagya siyang malayo sa sandalan ng upuan. "Why you're still looking back in the past, Abella? Nasaktan ka na noon and do you think I will let that happen for the second time? Abella, I'm here begging for the second chance at hindi ko 'yon sasayangin. Damn! Bakit ba ang hirap mong paniwalain?" Marahas itong bumaling sa harap ng kotse. Hindi mapakali. Saglit siyang natahimik. "Hindi mo ako masisisi, Nathan dahil ako 'yong labis na nasaktan. Kapag ba bumalik ako sa 'yo hundred percent akong sigurado na hindi na ako masasaktan? Na sasaya na ako? Hindi iyon sigurado Nathan dahil hindi mo kontrolado ang lahat. Hindi mo kontrolado ang Mommy mo," balik niya na kunot ang noo habang nakatingin lang sa binata. Nasapo ni Nathan ang noo, saka muling bumaling sa kaniya. "Hindi ako sigurado pero I can protect you, Abella. I will do everything just to protect you. Para hindi ka masaktan ng mga tao sa paligid natin." Nangungusap ang mga mata nito. Naglumanay na rin ang boses nito. "Puprotektahan mo ako? Paano pa akong makakasiguro kong noon hindi mo na nagawa iyon?" sumbat niya rito. Suminghap si Nathan. "Na ginawa ko sana kung hindi mo ako iniwan, Abella," balik nito, saka marahang pumikit. "I'm so sick in your excuses, Abella. Nakakasawa na! Puro ka nakaraan, noon, dati! Wala na tayo roon, we're here in the present. Tapos na iyon kaya why you're still looking back to it?" Bahagya na namang tumaas ang kumakalma na nitong boses. Umiwas ito sa kaniya. "Kasi hindi pa ako nakaka-move on, Nathan. Kasi nandito pa 'yong sakit. Nandito pa 'yong takot. At kung akala mong ganoon lang kadaling kalimutan iyon nagkakamali ka dahil mahirap, Nathan. Mahirap. Kung nagsasawa ka na sa mga excuses ko then iwan mo na ako," balik niya rito. Yumuko siya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. "Alam mo kong bakit nandiyan pa 'yon sakit? Kasi hindi mo binigbigyan ng pagkakataon ang sarili mong makalimot. Binabalik-balikan mo ang mapait na nakaraan imbis na kalimutan ang sakit. You just letting yourself stock in the past." Tama marahil si Nathan. Kaya patuloy siyang nahihirapang umabante dahil patuloy niyang ikinukulong ang sarili sa mapait na nakaraan. "Hindi lang sakit ang nangyari noon pero iyon lang ang binabalik-balikan mo na parang buong nakaraan mo sinaktan ka," dagdag pa nito. "D-dahil iyon ang mas higit kong naramdaman, Nathan. Kaya hindi mo ako masisising matakot na mahalin kang muli dahil kaakibat niyon ang nakaraan. Ang takot na baka mauwi lang ulit sa sakitan ang pangalawang pagkakataon." Patuloy sa pagpatak ang mga luha ni Abella. Samu't saring sakit ang nararamdaman niya. Nahihirapan siya. "You're such a coward, Abella. Hindi mo kayang panindigan ang nararamdaman mo," anito. Nanatili ang mga mata niya kay Nathan. Tama ito, duwag siya. Duwag siyang harapin ang pagmamahal na nararamdaman niya. Duwag siyang sumugal. Duwag siya sa lahat ng posibilidad. "T-tama ka, Nathan duwag ako. Duwag ako kasing natatakot ako. Natatakot akong masaktan muli. Naduduwag akong sumugal." Nagbago ang expression ng mukha nito. Nawala ang kunot at gumuhit ang pagsisisi sa mukha nito dahil sa binitawang salita. "S-sorry, A-abella hindi ko–" Bumaba siya nang kotse ni Nathan habang may luha sa mga mata. Hindi siya galit kay Nathan dahil tama ito. Isa siyang duwag. Duwag na ipaglaban ang pagmamahal na meron siya kahit sigurado siyang kasama niya si Nathan sa labang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD