Chapter1

2009 Words
"Guys! Breaking news! Nag retired na daw si Mr.Santos!" Humahangos na sabi ni Lion nang makarating siya dito sa garden ang usual na tambayan namin. "What!? Paano na tayo ngayon niyan!? Ang dali pa naman niya kausap! Lalo na pag dating sa mga projects!" "OA lang rei? Ayan kasi, sinanay mo ang sarili mo sa mga bagay na madadali lang dinadaan mo kasi sa mga pang aakit mo" pang aasar ni jacob, wala sa sariling napatingin ako kay rei na nakabusangot na. "Hahaha! Grabe rei! Pati ba naman matanda inaakit mo?" Pang aasar din ni lion at sabay sabay pa silang nagtawanan. "Hindi pang aakit ang tawag doon!!" Gigil na sigaw ni rei. "Eh ano?!?" Sabay sabay na tanong nila. "Edi Pakikipag transaction!" Pasigaw na sagot niya pero imbis na tumigil ay lalo pa silang nagtawanan. "Tsk! Wag nga kayong maingay, kita niyo namang nagbabasa ang pinaka magandang babae sa buong universe" rinig kong sabi ni margo na ikinatahimik nila at base sa nakikita ko sa pheriperal vision ko ay nakatingin na silang apat sa akin. Dahan dahan kong isinara ang libro ko at tumayo bago humarap sa kanila, napansin ko na nakasunod lang sila ng tingin sa bawat galaw ko kaya hindi ko maiwasan na ngisian sila dahilan para mailang sila. "Let's go, the bell will ring in 5minutes" "Huh? Paano mo naman nalaman eh hindi ka naman tumitingin sa orasan?" Tanong ni rei na nakatingala habang hawak ang ilong dahilan para magtawanan ang mga loko, napangiti nalang ako sa inasal niya. "Hindi na kayo nasanay kay Kielle, parang binibilang bawat segundo" natatawang Sabi ni margo. Hindi na ako umimik at nagsimula ng maglakad naramdaman ko naman na sumunod na sila at nag simula nanaman sila sa mga asaran nila at maririnig ang malalakas na tawanan ng mga kasama ko, napailing nalang ako nang mapansin ko na nakakaagaw na kami ng atensiyon. "Babe!" Sigaw ni rei na sumabay pa sa paglalakad ko at pinulupot ang mga braso sa kaliwang braso ko "Pwede mo ba akong turuan sa ECO101 natin?" Nginitian ko siya at tumango bilang tugon na ikinahinto niya at ikinatulala kaya napahinto rin ako dahil nakapulupot sakin ang mga braso niya. "Oh? Anong nangyari bakit kayo huminto?" Tanong ng mga kasama namin na napahinto rin sa likuran. "H-huh? Ah wala! Haha gora na tayo!" Sagot niya kaya nag simula na ulit kami maglakad. "Hi kielle!" "Good morning ms. beautiful" "Kielle! Bakit ang ganda mo?" "Hello ate kielle! How to be you po?" Mga pagbati ng kapwa namin estudyante na nasasalubong namin sa hallway hindi ko naiwasan matawa sa huling bumati sakin pero napalitan lang iyon ng pagtataka ng napahinto ang mga kasama ko at tumahimik ang mga estudyande na nasa hallway. Nagtataka man sa inasta nila ay nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad dahil ilang minuto nalang ay malelate na kami, nang marating namin ang room ay bubuksan palang ni rei ang pinto ng nag unahan sila lion at jacob na pumasok natatawang sumunod naman si margo dahil sa hindi maipintang mukha ni rei. "Tignan mo ang asal ng mga mokong na yun babe! Napaka gentleman! Nakakahiya naman!" Sarkastikong sabi niya kaya napailing nalang ako. "Let's get inside" nakangiting sabi ko na lalong nagpahaba ng nguso niya, pinulupot niya lang ulit ang mga braso niya sa braso ko at sumunod na sa mga kasama namin pero agad kaming napahinto nang makapasok dahil nakatayo lang sa harap ang mga kasama namin. "Margo! Anong meron?" Takang tanong ni rei "Sshh! Nandiyan na yung bagong professor natin" pabulong na sagot niya. Napatingin ako sa teacher's desk at tama nga, may babaeng nakatayo na ngayon sa harap namin na nakataas ang kilay. "And you two! Are you with them?" Mataray na tanong niya na nakay rei ang atensiyon. "Y-yes m-ma'am" kinakabahang sagot ng katabi ko. "You are 2mins late! Before I enter this room you should all be here! next time I will not accept those who are late to my class! Understood!?" Nagtanguan naman ang mga kasama ko at isa isa niya itong tinignan, natigilan siya nang mag kasalubong ang tingin namin. She's beautiful, bumaba ang tingin ko sa dibdib niya, hhmmm hindi na masama maganda rin ang pagkaka kurba ng katawan niya parang alagang alaga, bumaba pa ang tingin ko hhmm may matambok na pwet bumaba pa sa hita niya ang tingin ko, makinis at maputi over all she has a perfect body not bad tumatango tango pa ako sa naiisip ko ng makarinig ng pagtikhim kaya bumalik sa mukha niya ang tingin ko and I can say that she was anxious because of my stare. "Is there a problem ms?" Masungit na tanong niya. "None" sagot ko at nginitian siya na ikinagulat niya hhmm bakit ba pare pareho sila ng reaksyon kapag nginingitian? "Ehem! All of you! Go to your seat" mataray na sabi niya na sa mga kasama ko na nakatingin, agad na nag puntahan na ang mga kasama namin sa usual na spot namin. "Let's go na babe!" Masiglang sabi ni rei na ikinalingon ng professor namin at hindi nakaligtas ang pag arko ng kilay niya ng mapasulyap sa mga braso ni rei na nakapulupot parin sakin, nginisian ko lang siya ng mapabaling sakin ang tingin niya bago nag patangay na ng tuluyan kay rei. "Ok! First of all, I'm Ayesha Evans I am your new instructor in AR156/architectural design 10, So because I am new here, I want all of you to introduce your self infront say your full name, age and hobby" tumingin siya sa nasa unahan "You first mister" sabi niya na tinuro pa ang nasa unahan na lalaki. "Mabuti nalang nasa dulo tayo" bulong ni rei. Habang nag papakilala ang iba ay hindi ko maiwasan na pasadahan ng tingin ang bagong prof. She's hot, hulmang hulma sa katawan niya ang uniform niya napunta sa mukha niya ang tingin ko, she has a heart shape face, pointed nose thin lips with a red lipstick and I think those lips are smooth and sweet napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa mga pumapasok sa isip ko, napaayos agad ako ng upo ng mapansin ko na masama na pala ang tingin niya sa akin, narinig ko pa ang hagikhikan ng mga kaibigan ko. "Matunaw kielle" natatawang bulong ni jacob nang mapadaan siya sa upuan ko dahil siya na pala ang magpapakilala, hindi ko pinansin ang mga mapang asar nilang tingin dahil hindi naman ako naaapektuhan. "I'm jacob howard mason 22 years of age my hobby is music, actually me and my friends has a band and thats our hobby I am the bassist that's all thank you" dire diretcho niyang pagpapakilala at bumalik na agad sa upuan, agad namang tumayo si lion at tumungo na sa unahan. "I'm Lion Arc natividad 21 years old but going 22 next month my hobby is, like jacob said we have a band and I'm a drummer and sometimes a vocalist too" bago pa makabalik si lion ay tumayo na agad si margo. "Excited girl!" Natatawang sabi ni rei na ikinatawa ng iba, pero nasa kanya parin ang atensyon ko pinagmamasdan ko bawat reaksiyon ng mukha niya at ang iba't ibang emosyong lumalabas sa mga mata niya. "I'm margousxe frost 21 years of age! I am the pianist of our band! But other than music table tennis is also my hobby" masigla at nakangiting pagpapakilala niya. "Heeelllooo!" Nagtawanan ang lahat dahil sa inasta ni rei at napansin ko na napailing si ms. Evans "I'm Reilyn Santiago! 21 years of age I am the guitarist and other than music my hobby is to be a cute everyday!!" Lalong nagtawanan ang lahat dahil sa mga kalokohan niya tsk! "Oh babe! Ikaw na! Ayyiiee!" Sigaw niya na hinila pa ako pa tayo, napailing nalang ako habang naglalakad papunta sa unahan, nakatingin lang ako kay ms. Evans pero tinaasan niya lang ako ng kilay, ang taray niya naman, napapoker face nalang ako tss! Baka mas lalo siyang gumanda kung ngingiti siya. "I'm kielle shie Clarkson but you can call me kielle 20 years of age, I am the main vocalist, but I can also be a drummer, guitarist, pianist, bassist other than music I love sports too" "And what kind of sports you want?" Masungit na tanong niya habang nakataas ang isang kilay, tinitigan ko lang siya sa mga mata at binigyan siya ng isang matamis na ngiti bago sumagot. "Me and my family is a fan of playing table tennis and basketball" nakangiting sagot ko na hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Nice sports" tumatangong sabi niya na nasa mga kaklase ko ang atensiyon, tsk! Hindi matagalan ang tingin ko "Are you a varsity player too?" Tanong niya pa na ibinalik na sakin ang tingin. "Nope" I said still smiling at her. "O-okay 'ehem!' Take your seat" napangisi nalang ako sa pag kakautal niya. "Ok, We still have 20minutes left so, we just have a short discussion for today actually we will just review the previous discussion by mr.santos" sabi niya na nilibot ang tingin sa lahat "Mr. Villanueva" "M-ma'am?" Gulat na tanong nung lalaking tinawag niya. "Why architectural design important?" "Uh- i-it's important....because...ano..." Nagtawanan ang iba dahil sa sinagot niya, si ms. Evans ay napapailing na kumunot ang noo. "Ms. Cruz!" "M-ma'am!" Gulat na napatayo naman ang sunod na tinawag niya "it's i-important B-becuse If you are going to build or renovate a home or other building, it's important to have architectural design done before the work begins. Drawing blueprints and building models allows the architect to work with you to customize your building exactly the way you want it. " "Good, ms. Santiago!" "Yes ma'am!" Masigla at nakangiting tugon ni rei na nag salute pa kaya nawala ang pressure sa mukha ng mga kaklase namin. "Again! This is just a review of your previous discusion! So, I expect that all of you can answer my simple questions!" Masungit na sabi niya na nakatingin sa lalaking una niyang tinawag na hindi nakasagot "and this is also will your graded recitation" eh paano ba naman makakasagot nauunahan ng kaba sa pag susungit niya. "So, ms. Santiago Can you call yourself architect?" "Ah! I know that ma'am!" Ngiting ngiti na sabi niya na nakataas pa ang hintuturo na ikinatawa ng lahat baliw talaga tsk! "Just answer ms. Santiago" seryoso na sabi ni ms. Evans "Copy ma'am Hihi No, I can't call myself architect" "Why?" "Because it's illegal ma'am, accoriding to the book I read, In the United States, it's illegal to call yourself architect unless you have been licensed by a state—a process requiring a degree in architecture, years of apprenticeship, and a grueling multipart exam. Yet unlicensed “architects” doing the work of architect abound—they call themselves designers" "Good, take your seat, ms. Clarkson" tawag niya sa akin kaya dahan dahan akong tumayo "Is an architectural designer an architect?" Deretso lang ang tingin niya sa akin nang tanungin niya yan. "Whereas an architect is a licensed design professional, an architectural designer is not. An architectural designer is one step below an architect when it comes to expertise. Before an architect passes the ARE's and gets licensed, she is an architectural designer" "Good!" Masungit na sabi niya kaya napasimangot ako na ikinataas ng kilay niya "Take your seat ms. Clarckson" Matapos ang ilan pang tanungan ay napatingin na siya sa wristwatch niya at napakunot ang noo, napasarap siya pagtatanong kaya hindi niya namalayan ang oras napangisi ako dahil dun na napansin niya kaya sinamaan nanaman niya ako ng tingin na ikinatawa ko dahilan para mapalingon sakin ang mga kaklase ko at napansin ko pa na natigilan siya pero saglit lang. "Ok class that's all for today! But! Before I dismiss you I just want to remind you that I love surpise quiz, so better to review or much better do an advance reading that's all class dismissed!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD