Pangalawang linggo na ni Phoebe sa bahay ni Violet sa Bicol. It was a bungalow type and who knows which part of Bicol. Unang beses pa lang kasi niyang makapunta sa islang iyon. May kasama siyang katiwala roon, isang matandang babae. She was around fifties, at mukhang mataray. Marahil ay may ideya na ito sa kanyang katauhan kaya ganoon siya pakikitunguhan. "Kamag-anak ba 'yon ning magayon mong amo, Tasing?" Narinig ni Phoebe minsang nasa sala siya. Si Tasing ay naglilinis ng labas ng bahay nang panahong iyon. "Bako, kabit an nong agom ning amo ko. Dae ko ngani isi ngata uya yan." Iniisip marahil ng mga ito na hindi niya maiintindihan ang salita kaya hindi man lang hininaan ang mga boses. Pero base sa takbo ng usapan, nakukuha niya ang ibig sabihin. Mula sa pagkakaupo sa sofa ay napakag

