-MONICA EUNICE- Namangha ako sa ganda ng loob ng bahay ni Niccolo. Kung sa labas ay simpleng maganda. Sa loob naman ay sobrang ganda. Totoo nga 'yong sinasabi nilang don't judge the book by its cover. Mas lalo lang lumakas ang kagustuhan kong makapagpatayo ng bahay dito. Gusto ko ay katulad din nito. "Sabi ko naman sa'yo, Bro na magpatayo ka na rin ng bahay dito. Mukhang manghang-mangha ang asawa mo sa bahay ko," nakangising wika ni Niccolo. Akala ko pa naman ay seryoso siyang tao. Mukhang nagkamali ako dahil puro din siya kalokohan. "Hindi niya nga ako asawa. Ilang beses ko bang dapat sabihin at ipaliwanag sa mga tao?" napipikon na wika ko. "Hindi kasi halata. Mukha talaga kayong mag-asawa," natatawa pang wika ni Niccolo. "Mukhang mag-asawa? Saang banda?" inis pa ring tanong ko.

