-MONICA EUNICE- Pagkarating namin sa canteen ay bumungad sa amin ang napakaraming tao. Ang ingay pa. "Best, sa labas na lang tayo kumain. Sa sobrang dami ng tao baka abutin tayo ng oras ng klase at hindi pa tayo makakain." Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. Naglakad na kami pabalik sa pintuan ng canteen. Nagulat na lang ako ng maramdaman kong may nagbuhos ng juice sa uniform ko. Ang dating kulay puti kong uniform ay naging dilaw. "Ano na naman bang problema mo, Stephanie?! Hindi ka na naman ba naturukan?!" galit na sigaw ni Liezel. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay mabilis kong hinila palabas ng canteen si Liezel. "Best, hindi pa ako nakakaganti!" inis na wika ni Liezel. "Hayaan mo na. Lalaki pa lalo ang gulo kapag pinatulan mo sila. Kulang lang sila sa pansin," wika ko haban

