-MONICA EUNICE- Makalipas ang ilan pang mga oras ay nakarating na rin kami sa Palawan. Nakababa na kami sa airplane at hinihintay na lang namin ang mga lalaki. Sila kasi ang kumuha ng mga gamit namin. "Mama!" tawag ni Mat-mat na ikinalingon ko sa kaniya. Buhat kasi siya ngayon ni Liezel. "Yes, Baby?" nag-aalalang tanong ko habang nalapit sa kanila. "Hun...gry..." nakangusong wika niya. Naawa naman ako sa kaniya. Puro kasi siya tulog kaya hindi na siya nakakain. "What do want to eat, My Boy?" tanong ni Vincent na nasa tabi ko na pala. Hindi ko napansing nakarating na pala sila sa kinaroroonan namin. Binalik ko ang tingin ko kay Mat-mat na hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot. Nakita kong masama ang tingin at mahaba ang ngusong nakatingin siya kay Vincent. "Mat-mat, bakit gan

