Luke Tatlong linggo na mula nang bumalik siya. At sa loob ng tatlong linggong yun ay paulit-ulit akong nalilito sa kanya. Palagi na lang siyang tahimik. Kibuin dili niya ang mga tao sa paligid niya. She even throws tantrums sometimes. Nakakapanibago. At ang mas nakakapagtaka, I was not bothered as a boyfriend but more of a best friend. She only talks to her dad. Ako? Minsan lang niya pansinin. Marunong na rin siyang mang-snob ngayon na ang biktima ay ang step mother niya. Ang mas nakakagulat ay nakikipagsabayan na rin siya ng pagtataray kay Jane. Malayong-malayo siya sa Jamie na nakasama namin nitong mga nakaraang buwan. I even thought she was pregnant. Pero sabi naman ng doctor ay hindi raw. Siguro raw ay may effect pa rin yung pagkakaroon niya ng amnesia. I'm just glad that she is o

