I felt weird nang banggitin ko ang sarili kong pangalan sa harap ni Luke. Why did he all of a sudden become so interested in knowing me as Jamie's best friend? Kung ida-divert ko ang topic, mahahalata niyang ayokong magkuwento. Napabuntong-hininga ako. Bakit ba ako nasadlak sa sitwasyong ito? Pakiramdam ko ay unti-unti na akong nabubuko nito sa bawat araw na magkasama kami. Buti na lang at hindi niya ipinagpilitang brown ang kulay ng mga mata ko kanina. Alangan naman kasing mag-swimming akong nakasuot ng contact lenses, di ba? Kung alam ko lang na darating siya, hindi na sana ako nag-swimming. I did it to release my anger towards Jane. Wrong timing lang talaga ang pagdating niya. "Oh, bakit napabuntong hininga ka?" he was still smiling at me when he asked that. His smile is encouraging me

