Chapter Nineteen

1833 Words
Di ko mawari kung anu nga ba ang nararamdaman ko.  Tila may kung anung meron sa loob ko. Sabi ni mama excited lang siguro ako. Kaya ganito ako ngayon.  Siguro nga ganun.  Kaytagal kong hinintay ang pagkakataong ito. At ngayon ngang naririto na, di ko masabi kung gaanu ako kasaya. Ni di na nga ako mapakali. Gusto ko nang matapos ito kahit hindi pa man nagsisimula. Marahil ay nakaluko na akong tignan, dahil kanina pa ako pinagtatawanan ng dalawang matalik kong kaibigan. Eh sa hindi talaga ako mapakali wala silang magagawa.   "Para kang natatae jan pre! " si Jake na kanina pa nakangisi.   "Pre calm down. Para kang manok na di malaman kung saan mangingitlog! " dagdag din ni Excel.   "Balang araw mararamdaman nyo rin yung feeling ko. At kung nagkataon ako naman ang tatawa sa inyo. " At nagtawanan ang dalawa.   "Andyan na raw siya..." Rinig kong wika nang isa sa kanyang kaibigan.   Maya maya pa ay tinawag na ang mga kumag dahil magsisimula na ang seremonya.   At muli nanamang nagsimulang mag unahan ang t***k ng puso ko.Ito na ang hinihintay ko. Sa wakas ay magsisimula na...   Ito ang malatag ko nang pinangarap. Pilit akong nagsikap upang mapaghandaan ko itong okasyong ito. At ngayon ay magbubunga na ang matagal kong paghihintay.   Ilang sandali pa ay nagsimula nang tumugtog. Naramdaman kong may kamay na banayad na humawak sa aking likuran. Si mama na nakangiting nakangiti sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit sa subrang galak. This is a dream come true. And she knew that this is all I want.   Hindi ko na pinagpapapansin pa ang mga taong naglalakad, iisang mukha lang ang nais kong ma kita sa oras na ito. Ang kanyang mukha.   "Hijo relax, everything will be alright," saad ni mama habang inaayos ang bow tie ko.   Heartbeats fast Colors and promises How to be brave How can I love when I’m afraid to fall But watching you stand alone All of my doubt suddenly goes away somehow One step closer   pagsimula ng kantang pinili ko para sa kanya. Hudyat na siya na ang kanyang pag pasok. Nilingo ko ang entrada kunsaan naroroon ang malaking pintuang nakasara. Sa pagbukas ng pintong iyon alam ko na siya ang iluluwa noon. At hindi na talaga ako makapaghintay.   I have died everyday waiting for you Darling don’t be afraid I have loved you For a thousand years I’ll love you for a thousand more   At unti unting bumukas ang pinto. Animoy nasa slow motion ang lahat.   Time stands still Beauty in all she is I will be brave I will not let anything take away What’s standing in front of me Every breath Every hour has come to this One step closer   Sa pagbukas ng pinto ay kitang-kita ko ang bulto ng isang taong pinagkalooban ko ng aking puso nang mahabang panahon. At ngayong araw na ito siya at ako ay di na paghihiwalayin pa.   Ganap nang nabuksan ang pintoan at kitang kita ko siya buhat sa aking kinatatayuan. Hindi ko man maaninag ang kanyang mukha dahil natatakpan ang kanyang mukha nang manipis na tela.   I have died everyday waiting for you Darling don’t be afraid I have loved you For a thousand years I’ll love you for a thousand more   And all along I believed that I would find you Time has brought your heart to me I have loved you for a thousand years I’ll love you for a thousand more   At nagsimula na siyang maglakad. Tila isang diwatang naglalakad sa kanyang kaharian kung siya'y pagmamasdan. Suot niya ang puting gown na ipinatahi pa sa ibang bansa. Habang naglalakad itoy hindi ko mapigilang maluha. Five years of waiting and now the person I love and I will becoming one in the eyes of God. Its like a dream come true.   One step closer One step closer   ilang hakbang nalang at makakarating na siya sa kinatatayuan ko. ilang hakbang nalang ay mabibindisyunan na ang aming pagmamahalan.   I have died everyday waiting for you Darling don’t be afraid I have loved you For a thousand years I’ll love you for a thousand more   All of the sudden, the person I love stop. rinig ko ang mga bulongan ng mga bisita. kahit din naman ako'y nagtaka. napakunot noo ako sa kanyang ginawa. inangat niya ang belong tumatakip sa kanyang mukha. Doon ko nakitang umaagos na ang kanyang mga luha.   And all along I believed I would find you Time has brought your heart to me I have loved you for a thousand years I’ll love you for a thousand more   "I'm sorry." rinig kong saad niya sabay bitaw ng bouquet na hawak hawak nito. Hindi ko siya maintindihan.   Akmang lalapitan ko na siya nang bigla itong tumalikod at mabilis na tumakbo palabas na agad ko namang sinundan. Ngunit sobrang bilis niya ata na paglabas ko ay nakasakay na kaagad ito sa isang sasakyan na mabilis ding umalis.   Ni hindi ko alam ang gagawin. mababaliw ata ako sa nangyaring ito.   "Ahhhhhhh!!! sigaw ko. Hindi ko na malayang humahagolgol na pala ako nang iyak.   Limang taon, limang taon na pagmamahalan sa ganito lang ma tatapos. Matatapos na hindi man lang sinabi kung saan ako nagkulang. napaluhud ako sa sama ng loob.   Sinubukan kong tawagan ang kanyang cell phone ngunit operator lamang ang sumasagot noon. dinig ko na ang ingay sa bandang likod ko, senyales na nagsilabasan na ang mga bisita. nakita kong papalapit si mama sa akin. Patuloy parin ako sa pag iyak. Subrang sakit kasi at hindi ko mapigilang ilabas. Naramdaman ko nalang ang mahigpit na yakap ni mama sa akin. At doon muli akong napahagulgol.   Anna, bakit... bakit mo na gawa sa akin ito...   Herald's POV   Kapansin pansin ang pagka balisa at tila malungkot na mukha ni Ross.  Nakakapanibago iyon dahil wala naman kasi siyang nakukwentong problema. Likas kasi itong makwento, ngayon lang na tila may pinag dadaanan.   May tatlong linggo na ang nakakaraan mula nang ganap na pakawalan ng mama ni Ross ang edeyang ipakasal ito sa anak ng kanyang business partner.  Mula noon ay naging maayos na ang lahat sa amin.   Ang akala ko nga ay tatapusin na namin ang palabas ngunit ikinagulat ko nang sabihin nitong patuloy kami sa pag papanggap hanggang ganap na daw niyang makumpirma na hahayaan na siya ng mama niya. Hindi raw makakabuti sa aming dalawa na mag hiwalay kaagad dahil baka makatunog ang mama niya malalagot kami.   Hindi na ako kumuntra pa dahil wala din naman akong malilipatan. (Naku ang sabihin mo ayaw mo nang mHiwalay kay Ross.) Mahal din kayang mag rewnt ng bahay. Saka nakasanayan narin namin ang isat isa.   Mula noon ay naging maayos na ang sitwasyon. May mga time na tumatawag ang kanyang mama upang magkwento o magpasama sa akin. madami na nga akong nalaman tungkot kay Ross. hehehe.   Naging masaya ang pagsasama naming nang nakalipas na linggo. madalas lumalabas kami na magkasama. Mas naging malapit na kami sa isat isa. Take note hanggang ngayon ay magkatabi pa rin kami sa higaan. hahaha.   Nakakatuwa dahil parang totoong kami. Lagi niya akong sinusundo sa trabaho. ako naman ay asikasong asikaso sa kanya. Madalas din kaming nag bibiruan. Nagkakaroon din nang mga pagkakataon na napagkakasunduan namin ang mga bagay bagay.   Ngayo, hindi ko alam kung ano ang naging problema. Nagigising nalang akong wala na siya sa higaan. Naging tahimik ito. hindi ko nalang siya pinansin. Sabi ko baka kailangan nya lang ng time. pero mahigit isang linggo na ang nakakaraan ngunit tila naging malala pa ang lahat.   Dahil sa pang umaga ako sa trabaho ay maaga din akong nakauwi sa bahay. Nagkaroon ako ng oras upang maglinis at mag luto nang hapunan. Masyado yata akong na wili sa ginagawa ko nang makita kong 7 na pala ng gabi. Wala pa si Ross. Hindi na ako nag taka dahil nitong nag daang mga araw naman lagi siyang gabi na kung umuwi. Kung kaya kumain nalang ako mag isa nang makatulog na. Inaamin ko kahit papaano, nakakaramdam ako nang lungkot at pagdaramdam.   Ross POV   Alam kong naninibago si Herald sa kinikilos ko nitong nag daang mga araw. Pasalamat nalang ako at hindi ito nagtatanong ng mga bagay bagay. Nang mga nagdaang linggo naging maayos ang pagsasama namin ni Herald. Pakiramdam ko nga ay muli akong nakaramdam ng saya nang makilala ko siya. Magaan kasi siyang kasama yung bang nakakawala nang stress.   Ngunit nagbago iyon nang makita ko ang larawan nang taong ayaw kong makita sa tanang buhay ko sa isang news paper. Si Anna... Ang babaeng nang iwan sa akin sa harap ng altar may tatlong taon na rin ang nakakaraan. Mas pinili niya ang mag sayaw ng ballet sa ibang bansa kesa makasama ako.   Ayon sa news paper ay uuwi daw ito sa Pilipinas dahil sa isang concert na gagawin nito. Parang nagbalik lahat nang sakit at frustration na naramdaman ko noong iniwan niya ako. Simula din noon ang pagkakaroon ko nang panaginip. Pinapanaginipan ko ang araw na ikakasal kami sana ni Anna. Inaamin ko, talagang affected ako.   Alam kong hindi pang gabi si Herald ngayon kaya naman, napagpasyahan kung dumaan sa bar ni Excel. I need to do something to forget.   "Pre, anung problema? " Tanong ni Excel nang makitang panay tagay ko. Kanina pa akong inum nang inum. pagdating ko sa bar kanina ay agad akong umorder nang inuming malakas ang tama.   "Wala, Masama bang uminom? Dapat nga matuwa ka dahil dinalaw kita rito." Sagot ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.   "Come on, alam kong may problema ka. Look we are friends and I know everything on you. Magkababata tayo gago!" napa buntong hininga ako. Hindi talaga ako makakatakas sa kanya. Totoong kilala niya ako.   "She's coming back." sabi ko.   "Who?"   "Anna."   "What?"   ":I said Anna is coming back." may diing sigaw ko sa kanya. Buti nalang at wala si Jake.   "Ahhh, kaya ngayon naglalasing dahin affected ka ganon ba?" tanong ni Excel   "kinda, look anong magagawa ko. Kung ikaw sa lugar ko mararamdaman mo din naman siguro ang mararamdaman ko."   "But its already three years ago. You have to move on dude." nag-aalalang wika nito.   "Its easy for you to say dahil wala ka sa kalagayan ko. Alam mo bang ayaw na nga akong patulogin ng alaalang yoon. kahit sa panaginip nakikita ko ang pangyayari." Naiinis kong wika sa kanya.   "Take it easy ok." huminga ito nang ,malalim. "Sinabi mo na ba ito kay Herald?"   "No, hindi niya alam." Di ko kasi alam kung tamang sabihin ko pa sa kanya yung panget na parte ng buhay ko. "Ayaw ko na pati siya mag alala pa sa akin."   "at sa tingin mo ba hindi siya nag aalala ngayon?" si Excel   "I dont know. All I want to do rigth now is to forget." at tinunggo ko ulit ang laman ng aking baso at nag salin uli.   Gusto kong mag pakalasing ngayon. Bakasakaling makalimutan ko si Anna at ang ginawa niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD