Herald's POV
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang muling nagkrus ang landas ng taong talagang namiss ko. Pakiramdam ko ay tumigil ang lahat sa paligid. yung bang feeling ko ay parang kami lang dalawa. May kung anu sa loob ko na hindi ko mapaliwanag.
"Hoy Tulala ka pa rin jan ah." Boses ni Ross na nagpabalik sa aking katinuan. Nagulat pa ako nang walang anu-anu ay bigla niya akong yakapin.
Ramdam ko ang kabog na puso ko. Nanuot sa ilong ko ang bangong taglay nito." Grabe Ross, pabango ba yung pawis mo?" Mahinang bulong ko.
"What is that?" tanong niya
"Wa-wala" Utal na sagot ko. Herald umayos ka saway ko sa sarili ko. At bumitaw na siya sa pagyakap. Kita ko parin ang ngiti niya napakiramdam ko ay namumula ako dahil sa hiya.
*****
Nasa isang mamahaling kapihan kami ngayon. Dito nya ako dinala mula sa bar. Umorder siya sa counter at umupo lang ako. Parang abnormal parin ang t***k ng puso ko na pilit ko namang kinakalma. Nakita kong papalapit na siya sa akin dala ang inuorder nya.
"Here." Inabot niya ang kapeng para sa akin at umupo sa harap ko. Ngumiti lang ako habang inaabot ang kape.
"Oh kamusta ka na?" Tanong niya. " Bakit ka pala nandito? Kasama mo ba si Lorilai? Kelan ka pa dito?" Sunod sunod na tanong niya. Halatang excited lang ah.
"Dami mo namang tinanong. hehehe" Natatawa kong sabi. Medyo na ka recover na ako.
"Sorry, Eh kasi naman hindi mo man lang ako tinext eh." mukhang nahihiyang sabi nito.
" Dito na ako nagtatrabaho. Natapos na kasi ang kontrata ko sa pinagtrabahohan ko. kasama ko nga si Lorilai." Pag eeksplika ko sa kanya. "Tumawag nga ako sayo kaso nagpalit ka ata nang number." Dagdag ko pa.
"Sorry, Baka nasa Japan ko nang tumawag ka. Kararating ko nga lang. Buti nalang nag dumaan ako nang bar. Kaibigan ko yung may ari nang bar kasi." Depensa nito.
"San kayo ngayon nakatira? hatid ko na kayo." Alok nito.
"Naku. wag na. Nakakahiya naman. Baka pagud ka na. Malapit lang naman eh."
"No. I insist." pagpupumilit nito. Bakas sa tono nito na hindi siya tatanggap ng No.
Wala na akong nagawa, ngumiti nalang ako at pumayag nalang.
Halos hindi matigil sa kakatalak sa Lorilai nang malamang kasama ko si Ross. Gamit ang kotse niya ay hinatid nya kami sa tinitirhan namin. Medyo nakakahiya dahil medyo hindi maganda ang paligid.
"Alam mo ba Ross yang bestfriend ko e sobra ka nang na miss. laging ikaw nalang nga yung ikinukwento eh." Dinig kong wika ni Lorilai.
"Talaga?" Hindi makapanawalang tanong ni Ross.
"Hoy Lorilai, magtigil ka jan at walang katutuhanan ang pinagsasabi mo." Inis kong saway sa talakera kong kaibigan. Tinawanan lang ako pati si ROss ay nakisama din. Tinignan ko nalang nang masama si Lorilai na tumahimik naman. Hindi na ako kumibo hanggang sa makarating kami sa aming tinitirahan.
"Hoy, di ka na na imik?" Tanong no Ross nang makababa ako. Nakita ko namang bumaba din siya. Napansin ko ding Dumeretso lang si Lorilai sa loob ng bahay. Tumigin ako sa kanya at muling nginitian siya.
"Wala na rin naman akong ma ikukwento eh. Naubos na ni Lorilai." Wika ko dito at lumapit naman siya sa akin. Naramdaman ko nanamang naging abnormal ang t***k ng puso ko."Ross anu ba tong nararamdaman ko sayo?" natanong ko sa sarili ko.
"Pero alam mo Herald may sasabihin ako sayo." Nakanging wika nito. Heto nanaman ako di ma ka get over sa ngiti niya nakakatunaw.
"A-anu yu-yun?" Nauutal nanaman ako. Unti unti niyang nilapit ang kanyayang ulo sa tenga ko. Hanggang sa maramdaman ko ang kanyang hininga. Naguunahan naman ang mga t***k ng pulso ko. Nagulat nalang ako nang itaoat niya ang kanyang bi9big sa aking tenga at bumulong.
"I miss you too!"
*****
Ross POV
Hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Lalaki ako for crying out loud pero parang iba ang effect sa akin ni Herald. Seeing him makes me feel different. Ang cute tignan nang reactions niya sa tuwing lalapit ako sa kanya. Ah basta ewan di ko ma explain.
Kakapasok ko palang nang bahay nang mapansin kong nasa sala si mama at may kausap. Nagulat ako nang makita kung sinu.
" Oh Ross, Your here na pala." Puna ni mama nang makita ako. Hindi ako sumagot at tinignan lang siya. Yung tinging nagsasabing magpaliwanag.
"Hindi mo man lang ba babatiin ang bisita natin? Kanina ka pa nya hinihintay." Si mama
"Wag na po kayong magpaligoy ligoy mama. Anung ginagawa ni Jess dito?" Mariing tanong ko kay mama.
"She is visiting me." sagot niya. "Right Jessa?" baling niya kay jessa.
"Yes tita. Namiss ko kasi yung bonding namin Ross, kaya I decided to visit your mother." pag eexplain ng nya.
" And you believe na paniniwalaan ko ang dahilan nyo? Spill it out ma!" Marahan ngunit may diin kong tugon sa kanila.
" Alright, since di ka naman nakikipag usap sa akin ng matino at wala naman akong masamang nakikita I invited Jessa to spend a week sa atin. Upang mapag usapan ang engagement ninyo." Litanya ni mama na nagpapanting ng tenga ko. Pinigil ko ang sarili ko kahit ramdam ko na ang galit.
"I told you mama, na hindi ako papayag sa pinaplanu mo! Why are you pushing this lame idea of yours?" Maykalakasan na sabi ko.
" I gave you time to think, and I even ask you to to give me a reason why you dont want this, pero hindi ko naman narinig iyon mula saiyo. So I dont have any choice." Galit na wika ng mama ko.
"Basta ma, hindi pwede at hindi ako papayag na..." naputol ang pag sasalita ko nang muling magsalita si mama
"Then give me a reason kung bakit ayaw mo Ross! Sigaw niya.
Sa puntong iyon ay parang nauubusan ako nang iisipin. Dinidikta nang isip kong kailangan kong magbigay ng dahilan. Pero anu ang idadahilan ko?"God na bobobo ako" sabi ko sa sarili ko. and all of the sudden ay ang imahe ni Herald ang iniisip ko. agad kong na alala ang ang suggestion ni Jake.
"What if sabihin mo sa mama mong BADING KA? At hindi ka sang ayon sa gusto nya dahil may boyfriend ka na mahal na mahal mo."
"Kung wala kang masasabing dahilan ay itutuloy ko ang planu ko. this is great apportunity para sa kompanya natin if makakasal kayo ni Jessa." Dagdag nang mama ko. nauubusa na ako nang pasensya. Sasabog na ako sa galit.
""Mama, I love you. So much and I will do what ever you like. Pero... Pero hindi ito!" madiin kong sabi sa kanya.
"Then tell me why Ross?" Nasa tinig na ni mama ang otoridad.
Huminga ako nang malalim habang nakapikit. Dinilat ko ang aking mata at Tinignan si mama na naghihintay ng sasabihin ko.
"Ma, I'm GAY. And I have a Boyfriend. So Stop what ever your plan is. I'm sorry." at iniwan ko na si mama na gulat na gulat. wala na akong pake alam nasabi ko na iyon ang kailangan ko nalang ay mag hanap nang magiging kunyaring boyfriend. May isa na akong napipisil at kailangan ko siyang kausapin bukas na bukas din.