Herald POV
Gabi na ngunit naririto pa rin ako sa simenteryo. May isang linggo na rin buhat nang ilibing ang aking ina. matagal nang may sakit si nanay ngunit lumala ito dahil sa kakulangan namin nang perng pampagamot. Dalawa na lang kami ni Inay. ang tatay ko ay hindi ko na nakilala. sabi ni inay ay wag ko nalang tawagin dahil wala rin lang daw akong mapapala. at ngayong wala na si inay, ako nalang ang mag-isa sa buhay.
Sa totoo lang ay wala na akong mailuluha pa. masakit sa kalooban na ang kaisa isang mahal mo sa buhay ay mawawala at maiiwan kang mag-isa. nakakapanglumu. ngunit wala akong sinisi. inisip ko na lng na ito marahil ang kagustohan ng may kapal kesa naman sa maghirap pa siya dulot ng sakit nito.
"Oh nay, gumagabi na, uuwi na ako ha." Paalam ko sa puntod ng aking nanay. " Dadalawin nalang kita sa susunod na Linggo." At naglakad na ako patungung labasan.
Malapit lang naman ang sementeryo sa aming bahay. Mga dalawang kilometro o mahigit lang naman.(ang layo naman nun Hahaha) hindi naman kasi uso ang tricycle dito sa amin talo nat mag gagabi na. Hindi rin naman ako natatakot mag lakad mag-isa dahil halos kilala na rin naman ako dito sa aming barrio.
dahandahan lang ang aking paglalakad upang mamasdan ang papadilim na kalangitan. unti unti nang lumalabas ang mga bituin. Nag sisindihan na rin ang mga ilaw sa mga kabahayan na nadadaanan ko.
"Anu na kaya ang mangyayari sa akin ngayun?" tanong ko sa aking sarili.
Kungtutuosin naman ay kahit papanu ay kaya ko nang buhayin ang sarili ko. tapos ako nang vocational course at may trabaho din ako sa bayan. Hindi man malaki ang sahod pero sigurado namang hindi ako magugutom. "pero makukuntento ka na lang ba sa ganun?" kumento nang isang bahagi nang isip ko. Napabuntong hininga nalang ako habang patuloy na sa paglalakad.
Namimiss ko na talaga ang nanay. Siya lang talaga ang nagpapalakas ng loob ko tuwing nanghihinaan ako. at sa tulad nang ganitong sitwasyon ay kailangan ko sana siya ngunit gaya nga nang sinabi ko, wala na ang nanay ko. Wala na ang number one supporter ko.( Contest ba ito?) Si nanay lang kasi ang unang umunawa sakin simula nang aminin kong Bakla ako ako. tama ang dinig nyo, Bakla, bading gay o kung anu pa ang gusto mong itawag don.
Sagilid lang ako nang daan naglalakad dahil maya maya may dumadaan na sasakyan at may pag ka makitid din kasi ang daan. Maya maya pay may narinig akong isang putok kasunod nang ingay na alam kong nagmula sa sasakyan na marating sa aking likuran kung kaya agad akong tumingin.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang sasakyan sa di kalayuan na dumausdus sa gilig nang daan na sa tingin koy maagap na nakapag preno. Dali dali akong tinungo ang sasakyan upang tignan kung may maitutulong ako. Syempre marunong ako nang first aid eh.
Hindi paman ako nakakalapit sa sasakyan ay agad kong natanaw ang pag baba nang driver at naaninag ko nang pag sisipa sipain ang gulong ng sasakyan.
"s**t!!! s**t!!! s**t" dinig kong sigaw nito habang patuloy sa pag sipa nang gulong.Base sa buses nito ay lalaki ang driver. "Damn! Kung minamalas ka nga naman oh!!!"
"AH Ayos kalang ba kuya?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Nagulat pa ito nang lumingon sa akin.
"May maitutulong ba ako?" Tanong ko nang di ito magsalita. Nahiya ata dahil sa pinag gagawa nita sa gulong kanina.
"Bigla kasing sumabog ang gulong may na apakan yatang matulis na bagay sa daan." Rinig kong tugon nang lalaki. Lumapit ako sa gulong nito sa mantalang siya namay kinalikot ang cellphone nito at tipong maytatawagan.
"buti nalang pala nakapad prenu ka kung hindi ay malamang dumeretso ka na sa puno." Sabi ko habang chinecheck ang gulong nito.
"kaya nga eh, anyway may malapit bang towing shop malapit dito?"
Nagpapatawa ba siya? Alam namang barrio ito maghahanap ng towing shop. Malamang taga maynila ito. " Naku kuya walang towing shop dito. Vulcanizing shop meron pero sa unahan pa." Sagot ko sa kanya at rinig kong napasinhal ito.
Tumalikod ito at mukhang mayroong tatawagan ulit kung kaya pinagmasdan ko ang lalaki. Sa kilos, tindig at pananamit nito ay masasabing mayaman ito. idagdag pa ang boses nitong baritono, lalaking lalaki ang boses. Di ko nga lang maaninag nang maigi ang mukha nito dahil may kadiliman na.
"Kuya kung gusto mo eh hingi nalang tayo nang tulong sa unahan." mungkahi ko sa kanya dahil ramdam ko na ang pagkabanas nito sa pangyayari.
"Ok wala na rin naman akong magagawa eh. Hindi ko ma contact ang driver ko namin sa bahay." Sabi ko na ngaba e mayaman ang isang ito. Dinig ko ang pagbuntong hininga nito. "ila-lock ko lang itong sasakyan at sasama nalang ako sayo kung Ok lng sayo"
" ok lng naman doon din kasi ang punta ko. Doon kasi ang bahay ko."
"Salamat" sagot niya at may kinuha sa sasakyan at nang masiguradong safe nang iwanan ang sasakya ay nagyaya na ito. syempre lakad lang ang drama namin. malapit narin naman kasi.
*****
Kasalukuyan kaming nasa tapat nang bahay ni Kagawad James. Sa kanya ako humingi nang tulong at agad naman niyang dinaluhan kasama nang iba pang kalalakihan na kasalukuyang umiinom sa tapat ng bahay niya. Ako ang nag silbing Spoke person nang lalaking kasama ko since hindi naman siya taga rito. Paminsan minsan ay sumasagot siya kapag tinatanong. Nagpasalamat siya sa mga tumulong at nag abot ng pero upang pandagdag daw sa iniinom ng mga ito na hindi naman tinang gihan ng mga ito.
Habang nag-uusap ang mga ito, nagkaroon ako nang pagkakataong mapag aralan ang mukha nito dahil sa totoo lang kanina pa ako na hihiwagaan sa mukha nito. Maniwala kayo sa hindi bumilog ang mata ko animoy nag kakaroon ng star sa paligid." Dyosko po... haro, kagandang lalaki naman pala nito eh." ang sabi ko sa sarili. Literal ata akong nag space out. Bumalik nalang ako sa sarili nang makitang nakatingin napala siya sa akin. nahiya naman ako kung kaya tumingin ako sa malayo.
"Naku Herald, sa inyo mo nalang patulogin itong bisita natin." tugon ni Kagawad na agad kong kinalingon sa kanya.
"Po? Sure kayo Kagawad?" Nagtataka at wala sa loob kong tanong.
"May bakante namang kwarto sa bahay mo at saka mag isa ka lang naman. Malayo pa ang bayan at wala ring maghahatid. Kita mo namang nakatagay na ang mga iyan" turo ni kagawad sa mga kalalakihang tumatagay.
"Pero ayos lang po ba sa kanya?"
"Anu nga palang pangalan mo iho?" Tanong ni kagawad
"Ross po, kagawad, Ross Isaac po." magalang na sagot nito at ngumiti na halos ika hulog nang puso ko. "May nabubuhay pa palang ganitong nilalang Pangalan palang ang sarap na sa pandinig,"Mukhang ako yata ang di makakatulog mamaya eh" nasabi ko sa aking isip.
"Oh, Ross, ayos lang ba na kila Herald ka nalang matulog? Para di ka na mahirapan pang maghanap nang hotel na tutuloyan at di ka na gumasto pa. tanong ni Kagawad.
"Ayos lang po Kagawad."
" Wag kang mag alala, mabait itong si Herald. Kahit na may kalambutan iyan e di ka nyan pababayaan. Hehehe" Binida talaga ako ni kagawad ha, infairness. Pero iniwas ko padin ang tingin ko dahil baka mapatitig uli ako sa kanya. "Oh sya Herald hatid mo muna itong Bisita natin sa inyo nang sa gayun e makapag ayos na, dito nalang kayo mag hapunan mamaya ha."Utos ni Kagawad at binalingan si Ross at inak bayan. "Papanu Ross, iho balik nalang kayo mamaya pa mag hapunan. Sumama ka na muna kay Herald namin. Para makapagpahinga ka muna."
"Sige po Kagawad"
Isang malalim na pag hinga ang aking pinakawalan at binaybay namin ang daan patungong bahay.