ROSS's POV Tulad ng mga nag daang gabi, ay umuwi nanaman akong lasing. Umiikot ang paningun ko nang makapasok ako sa magulo kong condo. Tama, wala na sa ayos ang mga gamit ng condo ko. Dumeretso ako ng kwarto. Hinubad ko ang aking damit at walang pakundangang itinapon iyon kung saan. Agad akong dumeretso sa kama. Herald kung nandito ka lang sana, hindi ako magkakaganito. Nakatihaya lang ako at titig na titig sa kisame. Inaalala ang mga panahong magkasama pa kami ni Herald. Sa loob ng ilang araw na pag iisip at paglalasing hindi parin matahimik ang aking puso. Ni hindi nga nagpa-function ng mabuti ang utak ko. Lagi nalang si Herald. "Anu bang pinakain mo sakin at hindi ka maalis alis sa isip ko!!! " wala sa loob kong sigaw. Napapagod na ako. Pero alam ko na kahit anu

