Gusto niyang kainin na siya ng lupa. Ngayon na! O kahit maging sing liit ng langgam para walang makakita sa kanya. Erika, what have you done! Naglakad siya ng paroo't parito sa silid. Binigyan lamang sila ng sampung minuto para magbihis. Pinakiramdaman niya ang sarili, walang masakit. Wala ring pulang mantsa sa higaan nila. They didn't do it. The last thing she remembered was screaming in ecstasy that she passed out. Ohemgee! Nag-init ang pisngi niya sa naalala. Ano'ng sasabihin niya sa mga magulang? Walang nangyari dahil hinimatay siya sa sarap? Ganoon na lang ang iling niya. "You two should have better explanation when you come out from that room!" Parang sasabog ang tenga niya sa lakas ng boses ng Daddy niya kanina. At nagrereplay pa iyon sa utak. Napahawak siya sa ulo ngunit kagaya k

