KINABUKASAN, pagdating nila sa university na pinapasukan ni Lance ay sinalubong sila ng isang seksing babae. Muntik na siyang mapangiwi dahil halos lumabas ang dibdib nito sa sikip at liit ng tube dress na suot. Ito ba ang access na sinasabi ni Alex kanina? Nanlaki ang mata niya nang bigla nitong hinalikan si Alex sa gilid ng labi. Such a flirt! Bigla'y gusto niyang hablutin ang buhok nito. Relax, aniya sa sarili at umiwas na lang ng tingin. "Let's go to my office," bulong ng babae na nakahawak sa braso ng kababata. Nangati ang kamay niyang baklasin iyon. Nilapitan siya ni Alex at binigyan ng mapa ng school. "Nandito ka, dito yung library." "Marunong din akong magtanong, Alex. Ikaw, saan ka pupunta? Huwag mong sabihing sasama ka sa babaeng iyan?" Ginulo nito ang buhok niya. "I'll

