'Don't look back,' ani Erika sa sarili habang lulan ng taxi. Ngunit hindi niya napigilan ang sarili at sinulyapan niyang muli ang asawa. Yumuyugyog ang balikat nito habang nakatingin sa taxing sinasakyan niya. Saka lang niya napansing nakapaa ito. "Why do you always make it hard for me, Alex?" aniyang impit na napahikbi. Hindi na niya pinigilan ang pagbuhos ng luha. Sa lahat ng desisyon na ginawa niya sa buhay, ito ang pinakamahirap. She wanted to applaud for standing up for herself. Ngayon lang siya may ginawa para sa sarili niya. All throughout their relationship, si Alex palagi ang inuuna niya. Dahil ganoon siya magmahal. She always gives her best. 100%. Kay Alex umiikot ang mundo niya. Even when they are not together her thoughts are always with him. It seemed like she was movin

