Chapter 8 (Part 2) Beach May padabog na umupo sa tabi ko, pagtingin ko ay si Allan iyon. Pinagkrus niya pa ang kamay at ang kanyang paa tiyaka tumingin sa akin na tila ba nakagawa ng kasalanan. Hawak ko lang ang cellphone ko sa kanang kamay ko dahil wala naman akong kausap kanina sa mga kaklase ko kaya nag-twitter lang ako. “Problema mo?” Nakataas ang isang kilay ko habang tinanong ko sa kanya iyon. Inirapan niya ako pero tumingin naman ulit sa akin. Kumunot lang ang noo ko tiyaka pinagpatuloy ang pag-scroll ko sa twitter never minding Allan’s stare. Hindi siya nagsasalita kaya hindi ko naman alam kung anong problema niya. Umangat ang tingin ko kay Triscia dahil kakalapag lang ng bag niya sa tabi ng upuan ko. “Oh napano iyan?” Sabay nguso kay Allan na kanina pa may weirdong tingin

