Chapter 21 Irreplaceable Tahimik lang ako habang pina-process ang sinabi niya sa akin kanina. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi ko maiwasang mamula. Ang saya ko rin na meron isang tao na tanda kahit ang mga maliliit na bagay sa akin. Maliliit ang ngiti ko dahil pinipigilan ko ang malawak kong ngiti habang nakatingin sa bintana ng sasakyan, iniiwas ko ang ulo ko kay Angelo para hindi niya mahalatang kinikilig ako sa sinabi niya. Ano ba iyan, parang teenager! Pero kung sa bagay, ngayon ko pa lang naramdaman ang totoong kilig dahil nararamdaman ko lang iyon kapag nanonood ako ng kdrama. Ngayon na meron isang tao ang na sa tabi ko, wala na akong gugustuhin pang iba. Kasi siya na eh. Siya na ang gusto kong makasama hanggang sa mawalan ako ng hininga. Ang tanging hiling ko lang san

