Chapter 27 (Part2) Love “Hello! Hello!” Maingay na bati ni Allan, kasabay ng pagdating nila ang pagdating din ng mga pagkain namin. “Angelo, alis ka na riyan. Tabihan mo na ang mahal mong prinsesa.” Pang-aasar ni Allan tiyaka niya pa bahagyang tinulak si Angelo para makalipat ng upuan. Mula sa tapat ko ay umikot siya para makatabi ako at nasa tabi ko rin si Venus dahil pinili niya agad na makatabi ako. “Hello po ate Artemis! Sorry po natagalan may kinita po kasi kami na relatives din namin na nagtatrabaho sa airport po.” Cute na kuwento sa akin ni Venus kaya marahan kong hinawakan ang buhok niya tiyaka ito inayos, inipit ko sa kanyang tenga ang ilan na napupunta sa mukha niya. “It’s okay baby, what do you want to eat?” I asked her and showed her our food on our table habang sina Alla

