Chapter 13 Fall Pinagmamasdan ko lang ang tatlo habang nasa canteen pa rin kami. Habang papalapit nang papalapit ang midterm ay papagod naman kami nang papagod dahil sa dami ng ginagawa. Midterm pa lang pero ang dami na naming ginagawa paano pa kaya sa finals. Pero ayos lang naman dahil ngayon ko nalang mararanasan ito, baka kasi sa susunod na sem hindi na ako maka enroll. Baka hanggang ngayong sem na lang ang katawan ko. Nararamdaman ko na rin ang paghina ng katawan ko at ang kaagad kong paghingal kahit wala naman masyadong ginagawa. Pasimple kong kinuha ang maliit kong kulay black na notebook para tingnan ang mga sinulat ko. Bahagya akong napangiti dahil eleven na pala ang nachecheck ko ron. Kahit ayaw ni Angelo na pasalamatan ko siya sa ginawa niya alam kong deserve niyang pasal

