Chapter 24.2: Idol

3575 Words

Chapter 24 (Part 2) Idol “Wala na ba kayong naiwan?” Linyahan palagi ni Gabi sa t’wing paalis na kami. Kung marami ang dala nila noong papunta kami sa South Korea ay mas lalo na ngayon, ang dami rin nilang paper bag na dala-dala lalo na si Allan. Mukhang hindi tour ang pinunta rito kung hindi shopping. “Wala naman pwera lang sa puso ko.” Madramang sabi ni Allan, paano ba naman kasi kagabi sa Namsan Tower ay may na kalandian siya na taga-Thailand. Turista rin sila at kasama niya rin ang mga kaibigan niya. “Gaga! Friendly lang talaga ‘yong tao.” Iyan ang pinagdedebatehan nilang dalawa ni Triscia simula kagabi na pag-uwi namin. “Hindi nga! Malay mo may chance talaga kaming dalawa?” Pagpilit ni Allan. “Hindi ko man lang natanong ang social media accounts niya.” Bakas ang panghihinayang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD