Chapter 16 (Part 2) Cook Umalis na sina Angelo kanina para mamili ng ingredients at iba pa namin kailangan hanggang sa Sabado. Nasa taas ang tatlo, hindi ko alam kung anong ginagawa nila roon habang kaming dalawa ni tita Devi ay naiwan sa sala. Nakabukas ang TV pero tamad lang pinapalipat-lipat ni tita ito. “Artemis,” Pagtawag niya sa akin habang nakapangalumbaba siya at tamad na pinipindot-pindot ang remote. Nakatingin lang ako sa screen dahil wala rin akong alam na panoorin. “Po, tita?” Maagap na sagot ko sa kanya. Umayos siya ng upo tiyaka sinettle sa isang channel ang TV. “Alam na ba ng mga kaibigan mo ang tungkol sa kalagayan mo?” Pagtatanong niya. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya nang itinanong niya sa akin iyon. Habang ako, natigilan ako sa tanong niya. Dahil alam

