Chapter 30 Mother Nakangiti kong pinagmamasdan si Angelo, wala na akong pakialam kung mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Gusto ko lang pagmasdan ang mukha niya, kung saan eksakto ang nunal niya sa pisngi niya na malapit sa malalim ng kanyang mata, ang kanyang ngiti na paniguradong mabibighani ang sino man ang makakakita nito at ang mga mata niya na tila kinakausap ka na sa bawat pagkinang nito. Ang swerte ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. “Oh, huwag ka masyadong tumitig. Baka ma-fall ka.” Biglang pang-aasar niya sa akin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Napailing ako sa sinabi niya habang pinaglalaruan ang straw ko na mayroong maliit na ngiti sa labi. Alam ko sa sarili ko na kahit hindi na niya sabihin pa iyon ay nahulog na ako pero hindi ko alam kung paano iyon s

