Chapter 22 (Part 1) Lovers Kinuha na ni Angelo ang maleta naming dalawa. Ewan ko sa kanya, sabi ko ako na lang ang magbubuhat ng akin dahil kaya ko naman pero hindi niya pa rin ako pinagbigyan. Sina Allan ay masyado na ngang kinareer ang pag-vlog nila. Sinasakyan din naman ni Angelo ang trip ng mga kaibigan ko. “Oy! Seryoso? Sa inyo iyong Castielle Airlines?” Ilang beses nang tinatanong iyan nina Allan at Triscia kanina pa kay Angelo, ako ang nahihiya para sa kanila. Kung hindi pa masyadong obvious sa surname niya at sa pangalan ng airlines na kalipad namin kanina, hindi ko na lang alam. “My grandfather.” Angelo humbly said. Hindi na rin ako masyadong nagulat kanina sa airlines na sinakyan namin na sa kanila dahil nasabi na sa akin nina Allan na mayaman talaga si Angelo. Nakakap

