Chapter 4
Burnham
“Wait,” Luminga pa siya sa paligid namin para siguraduhin na walang makakarinig sa amin. “Are you serious?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa akin. Mukhang gulat na gulat talaga siya sa bucketlist na sinama ko sa notebook.
Pero bakit hindi? I just wanted to try it once, all my life I followed what my family rules. It is somehow suffocating, I can’t show the real me since I am afraid that it won't fit to their ‘standard'. They know me as a prim and proper woman, a woman with a class and a woman who will bring home an achievement.
“I’m not joking!” I whispered while laughing. “Why? Don’t you know a student who cut a class?” Parang ngayon pa lang siya nakakakita ng estudyante na magka-cutting. “Ohmo. Don’t tell me you are one of the officers here in our campus?” That thing suddenly popped in my mind.
“Don’t you have a class?” He asked again, never minding the questions I asked him. I rolled my eyes to him, gwapo nga mandalas namang tanga.
“Syempre meron! Para saan pa at magka-cutting ako kung wala diba?” Hindi ko talaga magets ang logic ng lalaking ito. Sa palagay niya ba cutting classes pang matatawag kapag walang klase o wala yung prof?
“Why? Aside, it was written on your notebook.” I rolled my eyes. So, he is a grade conscious huh? He reminded me of myself when our acquaintances were informing us that they will cut a class.
I sighed. Maybe I should tell him why I wrote that.
“I didn't write it just for fun,” I inhaled to have the guts to tell him the real reason. He shifted on his sit, looking and attentively listening to me. “I just want to feel freedom for once.” I whispered not because we’re inside the library but because I felt weak.
I couldn’t imagine that I open myself to him, I only knew him for five days and yet parang mas alam niya pa ang mga kahinaan ko kaysa kay Triscia. Kakakilala ko pa lang sa kanya pero ang mga bagay na hindi ko masabi sa kaibigan ko ay alam na niya. Bakit parang ang gaan ng loob ko masyado sa kanya?
“Since I was a kid, my parents and even my relatives expected something from me since I am a consistent honor student.” I chuckled to hide the bitterness I felt. “Imagine the pressure I felt.'' I tried to joke around but he looked serious listening to me.
I cleared my throat because he didn’t even smile even if I laughed a bit. Seryoso niyang tinatantiya ang emosyon ko. Ramdam ko ang bigat na pagtitig niya sa akin tila naghihintay pa sa susunod na sasabihin ko.
“I didn’t enjoy much when I was in high school,” I started. “Sabi nila masaya raw sa page ng isang tao ay ang high school. Scam!” I chuckled. “Because I always think about my grades, I must get the highest grades and score. I don’t even have friends back then.” naging mapait ang ngiti ko dahil sa sinabi ko.
“Why? You’re a great friend, why didn't they approach you?” He asked then licked his lips. Humarap pa siya sa akin habang nakapatong sa dalawang tuhod niya ang dalawang siko niya, nasa baba niya ang kanyang magkadikit na kamay habang nakatingin sa akin at handang makinig ulit sa isasagot ko.
I chuckled. Ang saya pala sa pakiramdam na may handang makinig sa lahat ng sasabihin mo.
But instead of telling him, I stood up and smiled at him. Mula sa pagkakaupo niya nang ganoong ayos, umangat ang ulo niya para matingnan ako.
“Kung sasamahan mo ako sa burnham baka ituloy ko pa ang kwento ko.” I teased him. I playfully run away papuntang hagdan para makababa sa library. I heard him sighed but followed me. Dala-dala niya ang makapal niyang libro pati na rin ang tatlong highlighter niya.
Kinuha ko na ang bag ko sa counter, ganon din ang ginawa niya pagkatapos niyang nilagay ang makapal niyang libro sa back pack niya na mukhang iyon at isang notebook binder. Hindi na kami gumamit ng elevator dahil sa eight floor ay may exit din naman.
“Saan nakapark kotse mo?” Tanong ko nang nasa bridge na kami ng eight floor. Nginuso niya ang side malapit sa gate one ng campus, kaagad akong tumakbo papunta roon, mahirap na baka may makakita pa sa akin na classmate namin.
Angelo immediately alarmed his car kaya nag-unlock na iyon, kaagad ko iyong binuksan at pumasok sa fronseat. Pumasok na rin siya pagkatapos ay nilagay niya ang kanyang bag sa back seat.
“So, you want to go to Burnham?” Panigurado niya. I nodded. “Cutting ka para pumunta sa burnham?” Tanong niya ulit.
“Bakit? Ang lawak kaya sa burnham! Maganda rin mag unwind unwind! Tapos maraming tao.” Noon, ayoko talaga sa maraming tao dahil feeling ko hindi ako makahinga pero ngayon I started to appreciate people, I wanted to watch a glimpse of their lives.
Maybe someone will get my attention and inspire me to live.
I heard him chuckle. “Para kang turista ah!” Pang-aasar niya sa akin. Pero ngumuso ako.
“Turista naman talaga ako ah? Hindi naman talaga ako taga-Baguio, dito lang ako nag-aaral.” I said. Tumango-tango siya.
“Kung sa bagay, pareho lang tayo.” He said and started driving. “Pareho naman tayo eh, ayaw mo ba maging pareho tayo ng apelyido? Kasi ako gusto ko.” He looked at me and then winked before he focused his stare on the road.
“Cringe!” I look at him with disgust, that’s banat is so corny but I will rate the kilig out of ten he got five.
“Sus, kilig ka lang sa akin niyan.” Pang-aasar niya ulit sa akin. “Don’t worry this man beside you is already your boyfriend.” He said while grinning like a proud boyfriend.
I just rolled my eyes to him. Then, something popped into my mind.
“Teka lang! Wala ka bang pasok?” Natatarantang tanong ko sa kanya. Hindi nga pala kami pareho ng schedule.
“I have,” Simpleng sagot niya pero kaagad na namilog ang mata ko sa sinagot niya. Bakit pa siya pumayag sa akin na pumunta kami sa burnham?
“Stop the car!” Natatarantang sigaw ko. Kakalabas lang naman namin sa kanto ng Bakakeng, pwede pa siyang bumalik at baka makahabol pa sa klase niya. Kaya ko na rin namang mag jeep mula rito hanggang town.
“Why would I?” Nagtatakang tanong niya. Imbis na ihinto niya ang sasakyan ay nag-kanan pa siya, daan papuntang town.
“Kasi may pasok ka pa?” Stress na tanong ko sa kanya. Kung tama ang analysis ko kanina, he might be a grade conscious one kaya bakit siya sumama sa akin ngayong alam niyang may pasok pala siya?
“Bakit ikaw?” He chuckled. “May pasok ka rin naman ah?” I rolled my eyes. Bakit ang hilig mag reverse card ng lalaking ito?
“Eh? I would do the things I haven’t done yet nga diba?” He chuckled again. Ano ba iyan, parang ang saya niya naman t’wing kasama ako?
Pero delikado.
Kung sasanayin niya ang sarili niya na masaya kasama ako, masasaktan ko lang siya sa bandang huli. Dahil alam naming dalawa kung paano magwawakas ang kwento namin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit inanyayahan niya ako na kasama siya sa mga gagawin ko bago ko lisanin ang mundong ito. Kaso kung may anong enerhiya ang pumipigil sa akin.
“Eh? I would join you to do those things you haven’t done nga diba?” Panggagaya niya pa sa boses ko na may kaunting arte. Napairap tuloy ako at nainis sa pang-aasar niya, kaya bahala siyang mag-absent diyan.
Humalakipkip ako habang nakaupo sa front seat, tutok ang mata sa dinadaanan at hindi na muling nagsalita pa. Sino bang gaganahan e napakaseryoso ko kanina tapos bigla lang siyang mang-aasar.
“Uy.” Pagtawag niya sa akin nang napansin niya na hindi ko na siya pinatulan pa.
“Huy? Galit ka?” May kaunting lambing at lungkot sa boses niya. Gamit ang gilid ng mata ko, alam kong sumusulyap siya sa akin habang binibigkas niya ang mga katagang iyon.
“Hala. Tampo baby ko?” Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nakanguso ang kanyang labis base sa tono ng pananalita niya.”Sorry na.” Dagdag pa niya.
“Gusto mo kumain?” Saglit akong naging marupok dahil don pero gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nagawa ko siyang hindi pansinin.
Diet ka, Artemis. Huwag kang papaloko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung anong araw ngayon. Kaya naman pala, malapit na ang araw na sasakit ang puson ko. May scientific explanation ba kung bakit ang daling magpalit ng mood ng isang babaeng may regla? Hindi ako matalino sa Science eh.
“Hey, are you really mad?” This time, his voice became serious. Napatalon pa ako mula sa kinauupuan ko dahil sa gulat ng maramdaman ko na dumampi ang kamay niya sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko! Parang tanga naman, Artemis eh. This is not the first time that a man held my hand. Bakit ganito na lang ang reaksyon ko pagdating sa kanya? Siguro dahil ilang araw ko palang siyang kakilala? But it felt like years.
Really, hindi dahil sa haba ng panahon kaya masasabi mong kakilala mo ang isang tao ngunit dahil sa koneksyon na namamagitan sa inyo. Wala iyon sa tagal subalit nasa lalim.
“Why are you mad, hmm?” He asked while holding my hand, napalingon pa siya sa akin pero kaagad din siyang tumingin sa dinadaanan namin. “Do you want me to park my car over there so we could at least talk to our problem first?”
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya kaya hindi ako nakasagot dahil sa pagkamangha. Ganito ba niya talaga hinahawakan ang isang relasyon? Napaka-boyfriend material naman pala ng isang ito.
I suddenly felt sad because somehow I wanted to be with him a bit longer about him being my boyfriend.
At dahil nga hindi ako nakasagot sa tanong niya kanina, he stopped the car at the side of the road and then looked at me while he didn’t remove his hand on mine. I sighed.
“What’s wrong? Did I say something wrong?” He asked and shifted to his seat so he could face me better. He also removed his seat belt so that he will be comfortable.
“Baby, please talk.” Punong-puno ng pagsusumamo ang kanyang boses. Suminghap muna ako bago ako nagsalita.
“Eh ikaw kasi eh!” Humarap ako sa kanya habang nakabusangot ang mukha ko, kaagad na sumilay ang ngiti sa labi niya pero mukhang pinipigilan niya ito dahil siguro inaakala niya na lalo lang akong maiinis kapag ngumisi siya which is true.
“Okay, what did I do?” Pagtatanong niya pero hindi kagaya kanina na mukhang malungkot ang boses ngayon ay mukhang masigla na siya. Hindi ko alam kung dahil ba hinarap ko siya o dahil siguro kinausap ko na siya dahil kanina pa siya nagsasalita pero hindi ko siya sinasagot.
“Tinatanong ka ng maayos tapos ganun isasagot mo? Gagayahin mo ang sagot ko with a pitch to your voice para asarin ako?” He couldn’t help himself and he chuckled. I rolled my eyes to him.
“So, my baby is mad because of that?” He asked. Again, I rolled my eyes. Baka lumuwa na nga ang mata ko kakairap ko sa kanya. “Eh, why are you insisting that I should go back to University?” He asked.
“Because you have a class.” Simpleng sagot ko. Alam kong simple lang iyon pero alam ko na alam niya ang gusto kong ipahiwatig doon.
“And so? I won’t let you go alone.” Lalo akong nainis sa sinabi niya. Oo, alam ko na nag-aalala siya panigurado sa akin pero ayoko naman na isantabi niya ang mga priorities niya para sa akin.
“Dapat alam mo pa rin ang mga priorities mo.” Umiiling na sagot ko sa kanya. “Tsk. Tsk. So, ganito ka maging boyfriend?” Biglang sumeryoso ang mukha niya, may kung ano sa awra niya ang nababalot ng dilim.
“What do you mean?” He asked without emotion at all. “What do you mean by ganito ako maging boyfriend?” He added.
“Na nagiging distraction ang girlfriend mo sa priorities mo.” I replied even if I’m nervous because he’s not showing an emotion since I said that.”Look, I am your girlfriend now, well even if you know, but still you got distracted. It shouldn’t be like that, make your girlfriend an inspiration not a distraction.” I advise him, so he will know his limitations and choose his priorities next time.
And when I say next time, it wouldn’t be me. It’s impossible to be me. And when I say next time means his new girlfriend.
“Artemis, what are you saying?” He asked me. Again, he is still serious.
“I’m concerned about you! About your studies!” I was a little bit frustrated when I said that. That’s the truth, I don’t want to become a burden to him. Hindi niya ako responsibilidad, mas gusto kong unahin niya ang responsibilidad niya bilang estudyante dahil para rin sa kanya iyon.
“What-what?” Manghang tanong niya, kung kanina ay walang reaksyon ang mukha at mga mata niya ngayon naman ay nagkahalo-halo dahil sa sinabi ko. Sumibol pa ang multong ngiti sa labi niya na tila hindi makapaniwala sa narinig niya.
“Okay, baby. I’m sorry. Don’t be mad, please.” He pleaded. Akala ko kanina ay magtatagal pa ang pag-uusap namin since he was not showing emotion to me.
“Basta know your limitations, responsibilities and priorities.” I said. Pinisil niya ang kamay ko na hinahawakan ng kamay niya. Tumingin na ako sa dinadaanan namin pero muli akong tumingin sa kanya dahil sa ginawa niya.
“Artemis, this is my priority.” Umawang ang labi ko, nagulat dahil sa sinabi niya. But he started the engine and started driving.
Did I hear him right? Does he really mean what he said? Lord, is he the one I was waiting for? The one who I prayed for? The one who will not choose me because I’m not an option anymore? The one who will choose me because I am his priority?
I shrugged all my thoughts, baka magtaka pa si Angelo sa akin. Pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho niya hanggang humahanap na siya ng mapaparking-an sa burnham.
Pagkapark niya ay binitawan ko na ang bag ko sa kotse niya, kinuha ko nalang ang phone at wallet ko. Napanguso pa ako habang nakatingin sa suot na damit ko, naka-uniform pa ako na pang tourism. Biglaan lang kasiang pag-cutting ko ngayon kaya hindi na ako nakapagbaon ng damit.
“What’s the problem?” He asked me. Nakapag-park na kami, natigilan lang siya sa pagbaba ng kotse dahil tiningnan niya ako na punong-puno ng pagtataka.
“Wala ang off lang kasi ng uniform ko, halatang nag-cutting!” I chuckled. Natawa lang din siya pagkatapos ay in-stretch niya ang kamay niya na para bang may kukuhanin sa likuran ng kotse.
“Here.” Sabay bigay niya sa akin ng kulay brown na coat. Mahaba iyon kaya alam kong matatakpan ang uniform ko kapag sinuot a binutones ko. Kaagad kong kinuha iyon tiyaka sinuot,
“Thanks!” Masayang wika ko pero bigla akong naubo. “Excuse me,” paghingi ko ng despensa sa kalagitnaan ng pag-ubo ko.
“Are you okay?” Nag-aalalang tanong niya. He shifted his sit again so he could caress my back.
“Ye-yes,” sagot ko tiyaka ininom ang tubig na nilagay ko sa tumbler na lagi kong dala-dala. Mabuti na lang talaga at may dala ako laging tubig.
Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ko ay napansin ko pa rin ang pagtitig sa akin ni Angelo kaya naman tiningnan ko na siya. Bakasa pa rin sa mukha niya ang pag-alala simula kaninang umubo ako pero ngumiti ako para hindi na siya masyadong mag-alala pa. Ayos na ako, nangati lang talaga ang lalamunan ko.
“Let’s go! Nagsasayang tayo ng oras eh!” Anyaya ko sa kanya. Natapos ko na rin ibutones lahat ng butones ng coat niya. Hanggang tuhod ko iyon kaya natakpan nga ang uniform ko since two inch above the knee ang skirt na suot ko. Nilagay ko rin sa bulsa ng coat niya ang maliit na notebook, baka sakaling may maisip ako habang namamasyal kami na isusulat doon, though, marami na akong naisulat.
Bumaba na ako sa kotse tiyaka tumakbo papuntang burnham para damhin ang malamig na simoy ng hangin ng Baguio, in-stretch ko pa ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ko para mas lalo kong madama habang nakapikit.
“You didn’t even wait for me.” Reklamo ni Angelo habang narinig ko ang pagtakbo niya palapit sa akin.
“Ang bagal mo kaya!” Reklamo ko sa kanya. Tumigil siya sa tabi ko habang nakalagay sa magkabilang gilid ng beywang niya ang kanyang kamay tiyaka humihinga.
Luh, epal neto kala mo talaga napagod.
Pero bago pa siya makapagpahinga ay hinatak ko na ang kamay niya papunta sa mga swan boat para magrenta kami.
“Isa po manong.” He said, kaagad ko siyang tiningnan habang nakakunot ang noo ko.
“Anong isa?” Nakataas na kilay kong tanong sa kanya. Pinagsasabi niya?
“What?” Bakas sa mukha niya ang pagtataka, tila iniisip kung anong maling salita ang sinabi ko.
“Dalawa po, manong!” Lalong lumandas ng pagtataka ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko.
“What?! Are you serious?”
“Yup! Race tayo.” Bumelat ako tiyaka na bumaba para makasakay sa nirentahan ko.
Pinili naming dalawa ay yung pinepedal kaya pinapadyak sa paa imbis na magsagwan kami, ang bigat kaya ng sagwan no! Tiyaka isa pa, hindi ako marunong non.
“Oh ano? Paunahan tayo sa dulo!” Sigaw ko sa kanya, pareho na kaming nakasakay ngayon at nagpapadyak. Napailing siya sa sinabi ko pero nagsimulang magpedal ng mabilis.
Madaya!
Kaagad ko ring binilisan, competitive pa naman ako no! Isa pa, ano na lang sasabihin ng pride ko kapag natalo ako sa aming dalawa? Ako ang mayabang na nagyaya pero ako pa ang natalo?
Tumatawa siya habang nauuna sa akin, bakas sa mukha ko ang pagkainis dahil ang bilis niyang magpedal. Pero nang nasa gita na siya ay bigla siyang huminto, tumingin ako sa kanya kung anong ginagawa niya and he’s recording me!
“Hey! Bawal iyan!” Sigaw ko sa kanya pero tumatawa lang siya, hindi ko alam kung anong binubulong niya sa camera dahil malayo pa ako sa kanya.
Nang makalapit na ako ay tapos na siyang magsalita pero hindi pa rin tapos ang pagkuha niya sa akin ng video. Pero hindi ko na pinansin ang pag-video niya at nagseryoso sa pagpedal para mauna ako sa kanya. Huh, hindi ba niya alam ang alamat ng kuneho at pagong? Pahinga pa siya ha.
Lumingon ako sandali dahil hindi pa siya nagsisimulang magpadyak, he’s still recording and saying something. I’m wondering what he is saying? Baka binabash na niya pala ako, hindi ko man lang alam. Nauna ako sa dulo kaya hinintay ko na siya dito.
He’s smirking while he’s coming near to me.
“I won,” Mayabang na sambit ko sa kanya. Kahit na parang pinagbigyan niya lang ako but I still exert effort though so I will consider my victory.
“Yeah, my baby won.” He chuckled. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawa niya.
“Why are you laughing? Did you bash me with the video of me you recorded earlier?” Panunumbat ko sa kanya.
“Whoah. Whoah. I didn’t do that, chill.” He said habang nagpepedal kaming kalmado pabalik sa kabilang dulo.
Walang masyadog turista ngayon, siguro ay dahil September pa lang. T’wing December at Summer ang bagsakan ng turista sa Baguio. Pati na rin t’wing February since it’s Panagbenga Festival.
“Why are you recording me anyway?” Mula sa deretsong tingin ay sumulyap ako sa kanya, halos magkatabi lang ang nirentahan naming boat.
“Smile!” Pero imbis na ngiti ay busangot na mukha ang naibigay ko dahil hindi ko inaasahan na nakaunat ang kanyang braso habang hawak niya ang cellphone niya, ready to take picture and he already captured one, when I was frowning!
“Oh? Bakit busangot naman mukha ng baby ko?” He asked, smiling looking at our first picture. “Isa pa, smile ka naman diyan oh.”
Hindi ko alam kung anong meron sa akin pero pinagbigyan ko nalang siya. Kagaya ng sabi niya ay ngumiti ako sa camera, that was our second picture but I will consider it the first one since I’m not ready earlier.
“Gusto mo mag bump car?” Yaya ko sa kanya nang matapos na kami sa boat.
“Ikaw ba? Gusto mo ba?” He asked me, I nodded kaya naman pumunta na kami roon.
Katulad ng kanina ay magkaiba kami ng sinakyan. Aaminin ko, sa pagkakataong ito, panalo siya.
“Hala ang duga!” Ranta ko lalo na nang may nahikayat siyang bata na banggain ako.
“Ate, you’re a loser po!” Sigaw sa akin ng bata habang tumatawa, natawa naman sa kanya si Angelo kaya sumimangot ako.
Babanggain ko na sana ang batang lalaki ang kaso nga lang ay kaagad na humarang si Angelo’t sinalubong ang bangga ko sana kaya ang ending ang kotse ko ang tumilapon sa gilid dahil sa lakas ng pagkakabunggo ni Angelo.
Tinawag na nung mga magulang niya ang bata kaya natapos na lang din kami ni Angelo dahil ayoko ng laruin iyon, talo pala ako eh.
“Oh? Bakit nakasimangot na naman iyan?” He chuckled while trying to catch my gaze while we’re walking.
Nakahalukipkip lang kasi ang kamay ko sa dibdib, deretsong naglalakad habang si Angelo ay patagilid na naglalakad para hulihin ang tingin ko.
“Ang daya mo kasi eh.” Tumingin ako sa mga rentahan ng bike, ang dami rin pwedeng gawin sa burnham, masayang mamasyal kapag kaunti lang ang tao.
“Tara, bike?” He suggested, nakita niya siguro na nanatili ang tingin ko sa mga bisikleta.
“Tara! Para naman lumamig ang ulo ko.” I said.
Nagrenta kami ng dalawang bike, parang ganito ang mga nakikita kong bike sa kdrama kaya feel na feel ko ang pagbabike. Feeling ko ay nasa kdrama ako habang nagpepedal, nagpapasalamat ako na hindi ganun karami ang tao kaya minsan ay nakapikit ako ng ilang segundo para mafeel ang lamig na humahaplos sa balat ko.
Grabe, nakaka-distress din pala ang pagbibike, bakit ngayon ko palang na-discover ito? Kung kailan bilang nalang ang mga araw ko sa mundo? Sana noon ko pa ito nalaman para hindi ako ganon kalungkot kapag na-stress ako sa isang bagay.
“Beautiful.” Napatingin ako kay Angelo na ngayon ay nasa tabi ko na pala. Nakahiwalay kasi kami kanina.
Huminto muna ako sandali kung saan may puno para hindi ako maarawan, nakapikit pa ako habang nakaupo ako sa bike. Ang galing lang kasi kapag nakapikit ka, marerelax ka talaga at kung minsan ay ang ganda ng imahinasyon na pumapasok sa isipan.
Unti-unti kong dinilat ang mata ko para tingnan si Angelo na ngayon ay nakahinto na rin sa tabi ko pero nakaupo rin sa upuan ng nirentahan niyang bisikleta. As usual, may nakatutok na camera sa akin.
“Ang hilig mo kumuha ng pictures no?” I asked him sarcastically. To be honest, madalang lang akong magpicture kapag nakatrip lang ako o kaya ay kailangan.
Iisa lang din naman ang kakalabasan ng itsura ko kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para magkaroon ng isang daan na shots, sa isang parehong lugar at parehong posing.
“Of course, I wanted to capture every moments with you…” halos ibulong na lang niya ang sagot niya sa akin pero dahil malapit kaming dalawa ay narinig ko pa rin siya.
Good to know that he accepted it already that I will not be a long term girlfriend but a temporary one. I sighed for relief because he knew that I am leaving everyone soon.
“Picture tayo.” I suggested, I somehow want him to remember me when the day comes.
Mukhang nagulat pa siya sa pag-anyaya ko, kaya habang gulat pa siya ay umayos ako ng upo at inayos ang buhok ko na medyo nilipad-lipad kanina. Nang makabawi na siya ay kaagad niyang inunat ang kamay niya na may hawak na cellphone para magkaroon kami ng selfie.
Nang matapos na kami ay nagyaya muna akong magpahiga muna kami sa isang bench bago umuwi, pero ang totoo lang talaga ay ayoko pang umuwi. Dahil kapag nakauwi na ako ay madalas akong mag-over think ng mga bagay-bagay. Alam kong hindi ako nag-iisa, na may mga anak din na kagaya kong mas pipiliin na manatili sa labas keysa umuwi ng bahay.
Because sometimes you might find home to a stranger or in a stranger place.
“Wait for me here.” He said when I already sat down.
Habang hinihintay ko siya ay kinuha ko na ang mini black notebook ko sa bulsa ng coat niya na pinahiram sa akin. I smiled when I already accomplished not just once but twice for today. After putting check mark on the box, napa-angat ang tingin ko ng may lalaking nakatayo sa harapan ko habang may hawak-hawak na strawberry ice cream cone.
Kinuha ko iyon, pagkatapos ay umupo na rin siya sa tabi ko habang kumakain kami ng ice cream.
“May naisip ka bang bago?” I asked him, maybe he can suggest some.
“Think and feel it. Think about what makes things you wanted to do to be happy. And feel it, if it will make you excited, then you must do it.” He advised me. I nodded, he’s right.
"Did you know why I wrote cutting on my small black notebook?" I asked him while we're still eating the ice cream he bought.
"Hmm. Why?" Inayos niya ang kanyang pagkakaupo na para bang handa nang makinig sa sasabihin ko. This is one of the things I like about him.
"Kasi nakakapagod mag-aral. Don't get me wrong ha? I love studies but you know sometimes it's suffocating. I felt pressured everyday maybe because I am a consistent honor student." I smile bitterly. "You know the common and usual thing happened for every honor student, your relatives had high expectations on you."
"I didn't even have friends when I was still in high school." I chuckled to hide the bitterness I felt. "It is like I don't have the rights to enjoy every moment of my life and just read educational books."
"Minsan naiisip ko kung mahal ba nila talaga ako bilang ako o mahal nilang ako dahil sa nakilala nilang ako." I smile sadly.
"You shouldn't pressure yourself that much." He commented. I nodded. "But I understand where it came from." He added.
"And you are already made on the dean's lister at SLU." He smiled at me, proud from what he just said. "And if no one told you this… I am so proud of you." I smiled sweetly because of that. He is the first person who told me that.
"And it's good to have a break sometimes. Now, I clearly understand why you wrote that." He said and licked his ice cream. "I will always be with you doing those things."
“But did you know we accomplished two today!” Masayang balita ko tiyaka pinakita sa kanya ang notebook na maliit gamit ang isang kamay ko. Dahil ang isa ay nakahawak sa ice cream.
Kinuha niya ang maliit na notebook, lalo tuloy itong naging maliit dahil sa kamay niya. Gaya ko ay hawak niya rin ang strawberry ice cream sa isang kamay niya.
“Thank you.” I smiled. I really appreciate him and what he did for me.
“No worries.” He smiled too.
Ngunit biglang lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa dahan-dahan na paglapit ng mukha niya. Hindi ako ganon ka-insoente, nakakapagbasa ako ng romance and watch romance movie too. In books or movies, when this certain event happens, the leading man will probably kiss the protagonist.
Is he really going to kiss me?! Should I close my eyes? I should, right? Well yes, I dated but never ever I gave my first kiss to them. So, if Angelo will kiss me, it will probably be my first kiss.
But before I could close my eyes, I felt his lips on my forehead.
“Continue, being happy.” He whispered after he kissed my forehead. “Continue, being you.”
"And to answer your question, you are love from who you are."
Things to do before I die #3 Burnham Date with my boyfriend: ✓